Chapter 8

76.2K 1.5K 75
                                    

Chapter Eight

"Kumain muna tayo."

Nagulat si Hazel nang tumayo si Javier. Akala pa naman niya ay kukulitin siya nito na sabihin ang rason kung bakit sila nagpakasal.

"Tara. Nagugutom na ko eh." Hinawakan nito ang kamay niya at tahimik naman siyang sumunod dito. Iniupo siya nito sa silya sa tapat ng island bago ito umikot at kinuha ang kulay pink na apron na nakasabit sa sulok 'tsaka iyon isinuot.

"Anong gusto mong kainin?"

Napalunok siya. "I'll just have coffee."

Nagsalubong ang kilay nito. "Just coffee?"

Tumango siya.

Umiling naman ito. "Akala ko doktor ka? You should know that breakfast is the most important meal of the day. How about pancakes, bacon and egg?"

Kinagat niya ang labi para pigilan ang pag-ngiti. "Okay."

Nagsimula na itong magluto at hindi naman niya maalis ang tingin dito. Para bang sanay na sanay itong kumilos sa kusina. Natawa siya nang mapadako ang tingin sa pink nitong apron. Nag-angat ng tingin si Javier at pinagtaasan siya ng kilay.

"Pink?" Inginuso niya ang apron na suot nito.

"Ah ito." Ngumiti si Javier. "Kay Camilla 'to."

Napaismid siya. Camilla? Sino naman 'yon? May iba pa palang babae sa buhay nito bukod sa demonyitang si Colline.

"Kambal ko si Camilla. Kaya wag mo 'kong tingnan ng ganyan." Natatawang sabi nito.

"May kakambal ka?"

Tumingin sa kanya si Javier at ngumiti habang nagbabate ng itlog. Napalunok siya. Bakit ang dumi ng utak niya?

"Oo. Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay, kami ni Camilla, pero nauna ko ng limang segundo kaya ako ang mas matanda. Fraternal twins kami. Lalaki naman ang bunso at laking lolo at lola. Yung tatay namin, hindi ko alam kung nasaan. Iniwan niya kami noong six pa lang kami ni Camilla. May step-dad ako, pero hindi sila kasal ng mommy ko. Hindi sila pwedeng ikasal kasi may iba rin siyang pamilya. Noong una ayoko sa kanya pero nakita ko naman kung paano niya napapasaya si mama. Siya na ang tumayong pangalawa naming ama."

"Ah!" Tumango-tango lang siya kahit na ang totoo ay natutuwa siya dahil kusa nitong binubuksan ang buhay sa kanya. She felt happy. Pakiramdam niya ay hindi imposibleng mag-work out ang relasyon nila.

Tumawa si Javier. "Ikaw naman. I want to know you better."

"Wala naman akong ikukwento."

Nakita niya kung paano napalitan ng lungkot ang ngiti nito at agad siyang nakonsensya. Dapat ay buksan rin niya ang buhay para dito gaya ng ginawa nito.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Bunso ako. Dalawa kaming magkapatid. Hindi ko alam kung nasaan na ang kuya ko. Nung huli siyang nagpadala ng post card, nasa Rome siya. Photographer si Kuya. Twenty nine na pero hanggang ngayon ay single pa rin at--bakit ka tumatawa." Kunot-noong aniya nang biglang tumawa si Javier.

"As much as I want to meet your brother, hindi tungkol sa kanya ang gusto kong malaman." Naiiling na inilapag nito sa harap niya ang pancake, itlog at bacon pagkatapos ay naupo sa tabi niya. "Pero kumain muna tayo."

Tahimik silang kumain. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng paglalagay ni Javier ng dagdag sa pagkaing nasa plato niya. Tinaasan niya ito ng kilay at inosente naman itong ngumiti.

Wala naman siyang nagawa kun'di ubusin na lang ang pagkain. Nang makatapos ay tumayo na siya para sana magligpit ng pinagkainan pero hinawakan siya ni Javier sa balikat at muli siyang iniupo.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon