Chapter 20

69.5K 1.4K 69
                                    

Ngayon ko lang nalaman na meron palang reader si Javier at Hazel na kabilang sa ating magigiting na frontliners. Maraming salamat po at saludo po kami sa inyo! Susubukan ko pong mag-update palagi para kahit papaano, kahit saglit, e makabawas po sa bigat ng problemang dala nyo.

Enjoy reading!

Chapter Twenty

Para bang namamanhid si Javier habang nagmamaneho pauwi sa bahay. Hinigpitan niya ang hawak sa manibela at pasimpleng sinulyapan ang asawa. Tahimik ito mula pa kanina nang aminin niyang wala pang bisa ang kasal nila. Hindi tuloy niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito. Hindi niya gusto ang katahimikang bumabalot sa kanila. Pakiramdam niya ay palayo nang palayo ang asawa kahit na nasa  tabi lang niya ito.

Natatakot siya. Paano kung magdesisyon na talaga itong iurong ang kasal nila. Hindi naman talaga siya nito kailangan para makuha nito si Eunice. Napakakomplikado na rin ng sitwasyon nila. What if she end up deciding that being with him is not worth all the hassle? Shit! Dapat talaga hindi na niya 'yon sinabi.

Napabuntong-hininga siya. Hindi dapat siya maging makasarili. Tama ang ginawa niya. Si Hazel ang dapat na magdesisyon kung susugal ba ito sa kanilang dalawa o bibitawan siya nito. Kahit ano pa mang maging desisyon nito ay igagalang niya. Iintindihin niya. Gan'on niya ito kamahal.

"Javier, itabi mo ang sasakyan."

Halos tumalon ang puso niya sa unahan ng sasakyan nang hawakan siya ni Hazel sa braso. Mabilis niyang iginilid ang sasakyan at inihito. Hindi pa man niya ito natatanong ay agad na itong nagtanggal ng seatbelt at bumaba. Natatarantang agad rin siyang nagtanggal ng seatbelt at bumaba para sundan ang asawa.

"Hon, what's wrong?"

Saglit itong tumingin sa kanya 'tsaka muling ibinalik ang tingin sa malayo. Sinundan niya ang tinitingnan nito. Maraming tao sa dalampasigan ng San Juan at nagkalat rin ang mga bulaklak. Nang pasadahan niya ng basa ang malaking banner na nakakabit sa tent ay bahagya siyang nabuhayan ng pag-asa.

Kasalang bayan. Proyekto ni Mayor Luis Sebastian at Judge David Herrero.

Napapangiting tiningnan niya ang asawa. Nakangiti rin ito sa kanya na para bang wala silang problema. Na para bang hindi niya sinabi ritong pwede nilang iurong ang kasal. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag.

"Gusto mo bang manood?"

Ngumiti si Hazel at tumango. "Oo sana. Ang kaso..." pinasadahan nito ng tingin ang suot na tshirt at boxers. Nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. Agad siyang bumalik sa sasakyan at kinuha ang jacket na nakatiklop sa kanyang overnight bag.

"Here." Lumapit siya sa asawa at agad na itinali sa bewang nito ang jacket. Inayos-ayos pa niya hanggang sa makuntentong hindi na makikita ng kahit sino ang maputi nitong hita.

"Conservative!" Tudyo nito.

Lalong gumaan ang pakiramdam niya. Hindi pa rin siya sigurado kung anong iniisip nito pero nabawasan na ang takot niya. Kung sakaling iurong nga ni Hazel ang kasal nila ay hindi pa naman iyon ang katapusan. Gagawin niya ang lahat maging parte lang ulit ng mundo nito. Liligawan niya ito, bagay na hindi niya nagawa. Sisiguraduhin niyang pupunuan niya ng pagmamahal ang lahat ng sakit na naranasan nito. Lahat ng natanggap niyang pagmamahal mula kay Joey ay ibibigay niya kay Hazel. Sosobrahan niya pa.

"Gusto mong magtanggal ng sapatos?"

Sinulyapan ni Hazel ang buhangin bago ibinalik ang tingin sa kanya at parang batang tumango. "Hmm."

Natatawang lumuhod siya sa harap ng asawa at tinanggal ang suot nitong rubber shoes. Pagkatapos ay tinanggal din niya ang suot na sapatos at binitbit iyon sa loob ng sasakyan. Nang maisarado ang kotse ay agad niyang inabot ang kamay ni Hazel at magkahawak-kamay na binaybay nila ang daan palapit sa nagaganap na kasalang bayan.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon