Chapter Thirty-Eight
"Nasaan na kaya ang tatay mo?"
Binitawan ni Hazel ang hawak na tinidor at pinagkrus ang braso sa dibdib habang matalim ang tingin sa laptop. Kanina niya pa hinihintay na tumawag si Javier pero hanggang ngayon ay wala pa.
Weird. Sa loob naman ng anim na linggo mula nang umalis ito ay walang palya ito kung tumawag. Ngayon lang. Napanguso siya. Ano kayang pinagkaka-abalahan ng mister niya?
Naninibago siya na hindi niya kasama ngayon si Javier. Malungkot pala kapag wala ito sa tabi niya. Para bang laging may kulang. Kung tutuusin ay sanay naman siyang mag-isa dahil maaga siyang bumukod at naging independent. Pero para bang ngayon ay hindi na siya sanay. Malaki pala talaga ang binago ni Javier sa buhay niya.
Naiiling na muli niyang dinampot ang tinidor at tumusok ng mga hiniwa niyang kiwi.
Habang nilalantakan ang prutas na gustong-gusto ng anak niya ay abala siya sa pag-iisip kung anong gagawin niya ngayong araw. Naturingang day-off niya pero wala naman siyang ibang maisip na gawin. Lunes hanggang Huwebes lang ang clinic days niya kaya tatlong araw sa isang linggo siyang libre. Gusto sana niyang lumuwas ng Maynila para puntahan si Eunice pero nagpipigil siya. Baka makasama rin sa kanya kung palagi siyang nagbibyahe gayong malapit na siyang tumuntong ng trimester. Hindi rin naman niya mapuntahan si Monique dahil nagtatampo pa ito sa kanya. Kung hindi pa kasi niya ito nakita sa ospital ay hindi pa rin nito malalaman na kasal na siya kay Javier.
"Matampuhin pa naman ang tita mo, anak." Natatawang tinusok niya ang huling piraso ng kiwi at isinubo. Tumayo na siya para sana ligpitan ang platito pero natigilan siya nang tumunog ang laptop.
Halos magningning ang mata niya nang makitang narerequest ng video call si Javier. Muli siyang naupo bago sinagot ang tawag.
"Good morning, hon." Bungad nito.
Bigla ay parang nawala agad ang tampo niya nang makita ang gwapo nitong mukha. Puting polo shirt ang suot nito at halatang katatapos lang maligo dahil medyo basa pa ang buhok. Base rin sa paligid ay alam niyang nasa ospital pa ito.
"Pasensya na natagalan bago ako nakatawag. Kumusta na ang asawa ko? Kumain ka na ba?"
Agad na nag-init ang sulok ng mata niya. Hindi rin niya alam kung bakit emosyonal siya pero parang gusto niyang pumalahaw ng iyak dahil miss na miss na niya ang asawa.
"Kakatapos lang. Ikaw? Kumain ka na? Kumusta ka d'yan? Kumusta si Dad?" Sunod-sunod na tanong niya.
Ngumiti naman ito. "Ayos lang ako, katatapos ko lang din kumain. Dad is doing fine. Sabi ng mga doktor, mukhang maayos naman na tinatanggap ng katawan niya ang bagong puso."
Tumango-tango siya. Sana ay tuloy-tuloy na ang pagrecover nito para makauwi na rin ang asawa niya. Hindi na yata niya kakayanin kung matatagalan pa bago ito makabalik.
"I miss you so much, hon." Nakangiti man ay malungkot ang mata nito. "Gusto ko nang umuwi."
"I miss you too, hon." Kinagat niya ang labi para pigilan ang pagkawala ng hikbi. Ayaw na niyang dagdagan pa ang hirap ng asawa. Hindi lang naman siya ang nalulungkot dahil magkalayo sila. Siguradong pati ito ay nahihirapan. "'Wag mo kong alalahanin dito. Okay lang kami ni baby. Si Eunice rin okay naman sabi ni Miss Annie."
"Kailan ulit ang check-up mo?"
Ngumiti siya. "Next week pa naman."
"Sorry, hon, wala ako d'yan para..."
"Sir Javier."
Nag-angat nang tingin si Javier. Hindi naman kita ni Hazel kung sino ang kausap nito pero rinig naman niya ang pinag-uusapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/14441270-288-k745618.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomansaHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...