Chapter Twenty-Six
Inihinto ni Javier ang sasakyan sa tapat ng Torres Medical Hospital at pinasadahan ng tingin ang sampung palapag na gusali. Pagmamay-ari 'to ng pamilya ni Hazel? Parang hindi pa rin siya makapaniwala na ang babaeng may pulay buhok, size 34 cup A na bra size na nag-alok sa kanya ng kasal ay tagapagmana ng Torres Group of Companies.
Napapailing na kinalas niya ang seatbelt 'tsaka bumaba ng sasakyan. Ngayong tapos na ang isang buwang bakasyong hiningi ni Hazel sa lolo ay balik trabaho na ulit ang kanyang asawa sa Maynila. Hindi naman niya gustong pigilan ang asawa sa pagtatrabaho at manatili na lang sa San Juan. Hahayaan niya itong gumawa ng sariling desisyon. Ayaw din naman niyang isipin ni Hazel na demanding siyang asawa.
Hindi ito sanay sa buhay probinsya at ang masama pa ay madalas niya itong iwanan sa bahay. He felt restless. Baka mamaya ay magsawa agad ito sa buhay na kasama siya.
Dalawang linggo na rin mula no'ng first homestudy na ginawa ng mga social workers. Nasundan pa iyon ng isang beses na court evaluation pero hanggang ngayon ay wala pa silang balita. Hindi tuloy mapakali ang asawa niya kaya dalawang beses sa isang linggo kung puntahan nila si Eunice. Pinag-aaralan niya ngayon kung paano nila makukuha si Eunice kahit bilang foster parents. Hindi na rin siya mapakali na nasa ampunan ang bata. Hindi naman sa sinasabi niyang hindi naalagaan ng ayos si Eunice sa ampunan. Ang sa kanya lang ay iba ang kaya nilang ibigay na pagmamahal para rito.
Nagbuga siya ng hangin tsaka inayos ang kwelyo ng suot nabpolo bago humakbang papasok sa ospital. Dumiretso siya sa fourth floor kung nasaan ang orthopedic department. Malapit na siya sa nurse station nang matigilan sa paghakbang. Ibinulsa niya ang kamay at napapangiting pinagmasdan ang asawa.
Nakayuko ito sa island ng nurse station at nginangatngat ang dulo ng hawak na ballpen habang binabasa ang hawak na chart. Inipit nito ang buhok sa likod ng tenga tsaka nagsulat. Gustong-gusto ni Javier na palaging pinapanood ang asawa sa ginagawa. She looks beautiful in everything she does. Kahit sa pagsusuklay ng buhok, pagbabasa ng romance books at lalo na kapag natutulog ito. Creepy. Pero iyon ang paborito niyang pampalipas oras; ang panoorin ang asawa.
Hahakbang na sana siya para lapitan ito pero napapreno siya nang may lumapit na lalaki kay Hazel. Naka-suot din ito ng white coat, may stethoscope na nakasabit sa leeg at may hawak na clipboard.
"Ace! Pwede mo bang basahin ang abstract ng pasyente ko? Kailangan ko ng second opinion." Tumabi ito kay Hazel at iniabot ang clipboard.
Umigting ang panga niya. Masyado yatang malapit ang lalaking 'to? Hindi ba nito alam ang concept ng personal space? At ano daw? Ace? Anong karapatan nitong bigyan ng pet name ang asawa niya?
"Sure." Kinuha ni Hazel ang clipboard at seryosong pinasadahan ng basa. Namilog ang mata niya nang ilagay ng binata ang kamay sa balikat ng asawa 'tsaka may ibinulong na kung ano. Ikinuyom niya ang kamao. Aba't talagang feeling close.
"Yes. It's quite serious. The only option I can see is surgery. It's either lagyan ng metal plate o putulin na lang." Anito.
"Thank you, Ace. 'Yan din ang tingin ko. Kailangan ko lang ng second opinyon. Sayang kasi. Graduating ng senior high ang pasyente, basketball player kaya baka hindi agad matanggap na surgery ang tanging solusyon."
"'Yan ba yung pasyenteng isinugod kagabi?"
"Oo. Car accident. Naipit ang binti. Ang sabi ng nanay nakapasa daw bilang scholar sa college dahil nga magaling sa basketball. Kaya may posibility na hindi na niya makuha ang scholarship." Umiling-iling ang lalaki.
"Pwede ko bang hiramin ang kopya ng abstract? Tsaka yung x-ray at results ng exam. Pag-aaralan ko."
Ngumiti ang binata at ngali-ngaling batuhin ni Javier ang lalaki nang makita ang dalawang dimples nito sa pisngi. Anong karapatan nitong ipakita ang dimples sa asawa niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/14441270-288-k745618.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...