Chapter 29

57.9K 1.1K 63
                                    

Chapter Twenty-Nine

"What do you think?"

Ibinaba ni Javier ang dokumentong hawak tsaka niya hinubad ang suot na reading glass at tiningnan ang kaibigang si Dominic.

"Sigurado ka na ba dito? Babayaran mo ang pinsan mo para sa lupang kinatitirikan ng factory."

Nagkibit ito ng balikat. "'Yan o bigyan siya ng share sa kumpanya. Ayoko lang na pakialam nila pati ang sarili kong negosyo."

Naiiling na isinilid niya sa bag ang mga dokumento. "Kung bakit kasi doon mo itinayo sa lupa nila 'yung factory mo."

"Si lolo naman ang nagdesisyon. Nitong sukatin na lang ang lupa nalaman na sakop ng lupang parte ni Tito Danny ang factory."

Natawa na lang siya. "Sige na. Ako ng bahala. Gagawan ko 'to ng kontrata."

Tumayo si Dominic at lumapit sa lamesa sa gilid. "Gusto mo ng maiinom?"

Umiling siya. "Hindi na. Paalis na rin ako." Sinulyapan niya ang cellphone at nang makitang wala pang text galing sa asawa ay napanguso siya.

"Parang may bago sayo." Puna ni Dominic.

Tumikhim siya at ibinulsa ang hawak na cellphone. "What do you mean?"

Ilang saglit siyang pinag-aralan ni Dominic bago ito nagkibit ng balikat. "I don't know. Parang may kakaiba lang sayo. Ilang oras na tayomg magkausap pero hindi mo pa nababanggit ang pangalan ni Colline. Madalas ka pang wala sa San Juan. Ano bang inaasikaso mo sa Manila?"

Lihim siyang ngumiti. Hindi ano ang inaasikaso niya kundi sino.

"Bakit ang dami mong tanong?"

Namilog ang mata nito. "You met someone."

Nangingiting nagkibit lang siya ng balikat.

"And you're in love." Dugtong pa nito

Itinaon niyang humigop ito ng kape bago siya nagsalita. "I am."

Naibuga nito ang iniinom at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "What? Really?

Tinawanan niya lang ang kaibigan.

"Sino naman ang malas na babaeng..."

Hindi na niya narinig ang kaibigan dahil ang buong atensyon niya ay naagaw ng pagtunog ng kanyang cellphone. Napangiti siya nang makitang asawa niya ang tumatawag.

"Hon?" Napangisi siya nang manlaki ang mata ni Dominic na sinundan ng sunod-sunod na ubo. Pabirong hinampas-hampas niya ang balikat ng kaibigan.

"Good morning, sir. This is from San Juan Medical Hospital. Kayo po ba ang guardian ni Miss Hazel?"

Awtomatikong nag-iba ang kabog ng puso niya. Kung kanina ay sabik syang marinig ang boses ng asawa ngayon ay napalitan 'yon ng kaba.

"Yes. Ako nga ang guardian niya. A-anong problema?" Hinigpitan niya ang hawak sa cellphone.

"Nag-collapse po siya kanina at ngayon po ay naka-admit dito sa ospital."

Napatayo siya. Matapos nitong ibigay ang room number ay agad niyang pinutol ang tawag. Nanginginig ang kamay na dinampot niya ang suit jacket at nagtatakbo palabas ng opisina. Ni hindi na niya pinansin ang pagtawag ni Dominic at nagmamadaling tinungo ang sasakyan.

Pakiramdam ni Javier ay pinagpapawisan siya nang malamig sa buong byahe. Niluwagan niya ang necktie, sinuklay ng daliri ang buhok bago niya inapakan ang silinyador. Wala pang kalahating oras ay narating na niya ang ospital. Ni hindi na niya naipark ng ayos ang sasakyan at agad nang bumaba bago nagtatakbo papasok.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon