Chapter 19

70K 1.4K 106
                                        

Chapter Nineteen

Javier couldn't believe what he just heard. Hindi agad nag-sink in sa utak niya ang sinabi ni Hazel pero nang tuluyang maproseso ay talagang nagulantang siya. Si  Hazel ang anak ni Joey? Doon lang pumasok sa isip niya na magka-apelyido nga ang dalawa. Bakit hindi niya agad napansin 'yon?

Napailing siya. Paano ba naman niya mapapansin gayung ang nasa isip lang niya ay ang makita ulit ito at gawing legal ang kasal nila.

"I... I gotta leave." Pinunasan ni Hazel ang luha bago tumalikod at dire-diretsong lumabas ng silid.

Naiwan siyang tulala at hindi makapaniwala. Gustuhin man niyang habulin ito ay parang ayaw kumilos ng mga paa niya. Shit! Ayaw niyang umalis ito. Ayaw niyang mawala ito sa kanya. Hindi pa niya alam kung papaano na silang dalawa ngayon nang dahil sa nalaman pero hindi naman siya papayag na umalis ito ng basta. Hindi niya kakayaning mawala ang asawa.

Agad siyang kumilos at nagtatakbo. Nakitq niya ang asawa na hawak na ang seradura ng front door. Halos talunin niya ang bawat baitang ng hagdan para lang makababa. Naabutan niya ang asawa nang hilahin nito pabukas ang pinto. Agad naman niyang ipinulupot ang isang braso sa bewang ng asawa habang ang isa ay inilagay sa pinto at itinulak iyon pasara.

"Don't go, please." Bulong niya at isinubsob ang mukha sa leeg nito.

"J-Javier..."

"I'm sorry. I'm so sorry." Paulit-ulit na bulong niya. Yumugyog ang balikat ni Hazel ay tahimik itong humagulgol ng iyak. Parang natunaw ang tatag niya at sinabayan ng iyak ang asawa.

Walang ideya si Javier kung ilang minuto o oras silang nakatayo sa ganoong posisyon. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kahit gaano pa katagal. Ang gusto niya lang ay hayaan ang asawa na umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam nito. This is a lot to take in for the both of them. Pareho nilang hindi inaasahan 'to.

Bakit ba nangyayari ito sa kanila? Hindi pa nga niya naaayos ang kasal nila tapos heto at may bago na naman siyang iisipin. Alam niyang hindi madali para sa asawa na makasama siya ngayong nalaman na nito ang kaugnayan nila. Hindi niya masisisi si Hazel kung bigla itong lumayo at magbago ang isip tungkol sa kanilang dalawa. He couldn't imagine how painful this is for her. Kaya maiintindihan niya kung anuman ang maging desisyon nito. Susubukan niyang intindihin. Pero 'tang'na, gusto niyang maging makasarili at 'wag itong pakawalan.

Pasimple niyang pinunasan ang sariling luha nang mapansing kumalma na ang asawa sa pag-iyak.

"Ayos ka na ba?"

Tumango ito. Hinawakan niya sa braso ang asawa at iniharap sa kanya. Napangiti siya nang makita ang mukha nito. Halos naghalo na ang sipon at luha dahil sa matinding pag iyak.

"Here, let me..." kinuha niya ang dulo ng suot na sando at ipinahid sa ilong ng asawa. "Suminga ka."

Hindi na nakipagtalo pa si Hazel at agad naman siyang sinunod. Nang malinisan ang mukha nito ay agad niyang hinubad and sando at isinampay sa balikat.

"Bumalik muna tayo sa kwarto, hmm?"

Nang tumango ito ay agad niya itong binuhat 'tsaka umakyat muli. Dumiretso siya sa kama at iniupo roon si Hazel. Agad niya ring kinuha ang baso ng tubig na nasa side table at iniabot 'yon sa asawa.

"Drink." Sumunod naman ito at agad na inubos ang tubig. Ibinalik niya ang baso sa sidetable 'tsaka siya lumuhod sa harap nito.

Malungkot ang mata ng asawa niya at nasasaktan siya dahil wala siyang magawa. Ginagap niya ang kamay nito at mabining hinalikan.

Marami siyang gustong sabihin pero bigla ay parang nawala ang lahat ng iyon. Hindi niya alam kung paano at saan sisimulan. Sisimulan ba niya noong unang dumating sa buhay nila si Joey? O dapat pa nga ba niyang sabihin 'yon? Baka makadagdag pa siya sa sakit na nararamdaman ng asawa. Sigurado siyang masakit para rito na makasal sa lalaking inalagaan ng sarili nitong ama, kaya hindi na dapat niyang dagdagan pa. Napabuntong-hininga siya at nagbaba ng tingin. He felt disappointed with himself. Wala man lang siyang magawa para sa asawa.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon