Chapter 32

60.5K 1.1K 55
                                    

Chapter Thirty-Two

Huminto si Hazel sa paghakbang at agad na umigkas ang kilay sa nakita. Yakap ni Colline ang asawa niya habang nakataas naman ang dalawang kamay ng asawa.

Kung hindi siguro siya nagtataka sa nangyayari ay matatawa siya sa itsura ni Javier.

Hindi ito ang inaasahan niyang sasalubong sa kanya sa pag-uwi. Ilang araw lang siyang nawala pero heto at may umaaligid na sa asawa niya. Ikinuyom niya ang kamao at humugot nang malalim na hininga.

Ano kayang drama ng babaeng 'to? Naiiling na humakbang na siya palapit.

Kung meron man siyang dapat na malaman ay gusto niyang si Javier mismo ang magsabi sa kanya. Hindi niya gustong tumalon sa maling kongklusyon para lang magsisi sa huli. Hindi ngayon. Dahil hindi na lang ang sarili niya ang dapat isipin.

Lumipad ang palad niya sa kanyang puson. Dala-dala niya ngayon ang bunga ng pagmamahalan nila at sapat na 'yon para maging kalmado siya. Humahanap pa siya ng tamang tiyempo para sabihin sa asawa. Sa dami nang nangyari ay nahihirapan siyang humanap ng pagkakataon.

Nanatili ang tingin niya sa dalawa. Siguraduhin lang ng demonyitang ito na may sapat na dahilan kung bakit nakalingkis ito sa asawa niya.

"Hon." Gulat na inilayo ni Javier si Colline at doon niya lang napansin na umiiyak pala ang babae.

"This isn't what it looks like." Itinaas muli nito ang dalawang kamay at takot na tumingin sa kanya.

Pinigilan niya ang sarili na ngumiti at sa halip ay pinaningkitan niya ng mata ang asawa. Umiling iling ito na para bang itinatanggi na agad ang kung anumang iniisip niya.

Sinulyapan niya si Colline. Nakatingin ito sa sahig at patuloy pa ring umiiyak. Tumaas ang kilay niya at muling ibinalik ang tingin sa asawa.

'Anong meron?' Walang boses na tanong niya kay Javier.

Nagkibit-balikat lang ito ng balikat. Napabuga siya ng hangin. Kung anumang problema ng babaeng 'to ay tiyak na kailangan nito ng kausap. Hindi naman niya ito pwedeng ipagtulakan palayo. Kahit ayaw niya ay parte ito ng buhay ng asawa kaya mas mabuti pang pakisamahan niya ito. Sabi nga nila, keep your friends close, your enemies closer.

"Come in." Sabi niya.

Tila nagulat naman si Colline at namimilog ang matang tumingin sa kanya. Nagkibit lang siya ng balikat at nagpatiuna na sa loob.

Sumunod naman ito at parang wala sa sariling nanatili lang na nakatayo sa gitna ng salas habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha. Nagkatinginan sila ni Javier, parehong hindi alam ang gagawin. Hindi siya sanay mag-alo ng ibang tao kaya alam niyang wala siyang maitutulong rito.

"Magpapalit lang ako ng damit. Ikaw ng bahala." Bulong niya kay Javier tsaka tinalikuran ang dalawa at humakbang patungo sa kwarto.

Hindi pa man niya naisasara ang pinto ay nagulat siya nang makitang nakasunod na sa kanya ang asawa. Pinandilatan niya ito ng mata.

"Bumalik ka do'n." Ipinagtulakan niya ito palabas pero hindi naman ito natinag. Sa halip ay ngumuso ito.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay. Uwi ba 'yan ng matinong asawa?"

Lihim siyang napangiti. Ilang beses kayang pinractice nito ang linyang 'yon? Para kasi itong isang artista sa mumurahing pelikula na tumutula ng script.

"Sorry. Hindi ko napansin ang oras eh. Ngayon lang ulit kami nagkita-kita kaya ang daming kwento."

Ngumiti naman ito at agad siyang kinabig at niyakap.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon