Chapter 22

27.1K 787 115
                                    

Pasensya na at natagalan. Wala kasi 'to sa original na story kaya bagong sulat at mainit-init pa 'to. Hahaha. Anyway, salamat sa matiyagang paghihintay. Love y'all.

Handa na tissue nyo? Hahahaha. Just kidding. Hindi naman masakit 'to promise😭🤧

Chapter Twenty-Two

"Javier, sandali." Hinigit ni Hazel ang kamay ng asawa dahilan para huminto ito sa paglalakad at lingunin siya.

Nagbuga siya ng hangin at pasimpleng sumulyap sa entrada ng bahay kung saan nakatayo ang ama. Napailing siya. Hindi nga pala niya ito tunay na kadugo. 'Yon nga ang rason kung bakit iniwan siya nito. Dahil bunga siya ng pagtataksil ng ina.

Shit! Kaya ba niya? Hindi pa yata niya kayang pakiharapan ito na parang wala lang.

"Hon?" Pinisil ni Javier ang kamay niya. "Kung hindi mo pa kaya, pwede tayong umalis at..."

Umiling siya. "No. It's okay. Just..." hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito. "Just don't leave me with him. Hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon."

Tumango si Javier. "I'll stay beside you, hon. Hindi kita bibitawan."

Sa kabila ng kaba ay napangiti siya. Muli siyang nagbuga ng hangin 'tsaka sila muling humakbang. Pakiramdam ni Hazel ay nanlalambot ang tuhod niya. Kung hindi siguro hawak ni Javier ang kamay niya ay baka bumigay na siya.

"Dad." Bati ni Javier at agad na nagmano rito. Pinisil naman ni Javier ang kamay niya, tila humihingi ng tawad sa sinabi.

Tumango ito pero ang tingin ay nasa kanya. Sa paraan ng tingin ay para bang minumukhaan siya. Kahit na kinakabahan ay pilit niyang sinalubong ang tingin nito. The only picture she had of him was taken from her seventh birthday. And that was twenty years ago. 'Yon na ang huli at iyon lang ang naisalba niya mula sa kanyang mommy Lucille. Her mom kept every picture locked somewhere. Ngayong nakita na niya ulit ito ay halatang matagal na nga talaga ng huli niya itong nakita. Kung alam lang sana niya na magkikita ulit sila sa ganitong sitwasyon, hindi na sana niya itago ang litrato nito. Without that picture maybe she won't even recongnized him. Baka mas madali para sa kanyang pakiharapan ito kung hindi niya ito kilala

"Kanina pa kayo hinihintay ng mommy mo." Hindi nito inalis ang tingin sa kanya, "Siya ba ang asawa mo?" Tiningnan nito si Javier bago muling ibinalik sa kanya.

"Ah, opo. Si H-Hazel po." Pakilala ni Javier.

Namilog ang mata nito at para bang lalo siyang titigan. Recognition flashed in his eyes. Kung kanina ay tila nagdududa ito sa iniisip, ngayon ay para bang nakasigurado ito.

"Hello po." Pinilit niyang ngumiti. Hangga't kaya niyang magpanggap na hindi niya ito kilala ay gagawin niya. Kung iniwan siya nito noon ay itatanggi naman niya ito ngayon. Hindi para maghiganti kundi dahil hindi pa talaga niya ito kayang kausapin. Hangga't maaari ay gusto niyang magpanggap na hindi ito kilala.

"H-Hazel." Bulong nito.

Hindi niya inalis ang ngiti sa labi. Naglahad pa siya ng kamay rito. "Nice to meet you po. Kayo po pala ang daddy ni Javier."

Bumaba ang tingin nito sa kamay niya at tumango-tango. Marahan nitong inabot ang kamay niya. Ilang minuto itong tahimik at nakatingin lang sa magkahawak nilang kamay. She hate this. She hate how a simple touch could make her feel like like a kid longing for her dad again. She wast past that. Lumaki siyang wala ito sa tabi kaya hindi dapat niya ito bigyan ng karapatan na muling pumasok sa buhay niya.

Binawi niya ang kamay at kumapit sa braso ni Javier.

"Si Mom?" Basag ni Javier sa katahimikang bumalot sa kanila.

Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon