Chapter Seventeen
Muling pinasadahan ni Hazel ng tingin ang repleksyon sa salamin. Nakailang palit na siya pero wala talaga siyang mapili. Napabuntong-hininga siya at muling ibinalik ang tingin sa mga damit na nakalatag sa kama. Bakit ba wala siyang matinong dala? Skinny jeans, shorts na maong, tshirts at crop tops lang ang laman ng bag niya.
Kinagat niya ang labi. Ano bang dapat na suot kapag ipapakilala sa magulang ng asawa? Muli tuloy siyang inatake ng kaba. Ito kasi ang unang beses na mangyayari ito. Wala tuloy siya ideya kung anong gagawin.
"Hon?" Sumungaw ang ulo ni Javier sa pinto. "Ready ka na?"
Umiling siya. "Wala akong maisuot." Problemadong nuli niyang inisa-isa ang damit at baka sakaling may nakaligtaan siya.
Humakbang papasok si Javier at nang makalapit sa kanya ay agad siyang hinawakan sa bewang at iniharap.
"You're overthinking too much." Natatawang ginagap ni Javier ang kanyang kanang kamay at pinagsalikop ang kanilang daliri. "Hindi mo kailangan ng magandang damit para i-impressed ang pamilya ko. Just be you. Show them the real you."
Tumango siya kaya lang ay hindi pa rin mawala ang kaba niya. "I'm... I'm worried. Paano kung hindi nila ko magustuhan?"
Nang sabihin ni Javier kagabi na ipapakilala siya nito sa pamilya ay agad siyang binundol ng kaba. Hirap tuloy siyang gumawa ng tulog. Kung hindi pa siya ipinagtimpla ni Javier ng gatas at sinuklayan ng buhok ay hindi siya dadalawin ng antok.
"Syempre magugustuhan ka nila." Nakangiting dinala ni Javier ang magkahawak nilang kamay sa labi at dinampian ng halik ang likod ng kanyang palad. "At kung sakali lang na hindi, wala naman silang magagawa, kasi ako gusto kita."
Kinagat niya ang loob ng pisngi para pigilan pagsilay ng ngiti pero huli na dahil napangiti na siya. Wala 'e! Magaling magpakilig ang asawa niya.
Tumikhim siya. "Hindi ba masyado pang maaga para ipakilala mo ko? Anong sasabihin natin sa kanila? Sasabihin ba natin na nagpakasal tayo at asawa mo na ko?"
Hinapit siya ni Javier palapit. "Ano bang gusto mong sabihin natin?" Balik na tanong nito.
"Hindi ko alam." Nagkibit-balikat siya. "Ano bang gusto mong sabihin sa kanila?"
"Gusto kong ipakilala ka bilang asawa ko." Seryoso at walang pag-aalangan na sabi nito. Bigla ay para siyang nanlambot. She felt his sincerity. Para bang wala itong pakialam sa sasabihin ng iba kahit pa naging padalos-dalos sila sa desisyon. Alam niyang hindi normal ang arrangement nilang dalawa. Some might say that she's taking advantage of his kindness. Maraming magtataas ng kilay pero parang walang pakialam si Javier doon. Kaya nga dapat ay siya rin.
"'Wag kang mag-alala. Magugustuhan ka nila at magugustuhan din nila si Eunice. Sigurado ako."
Tumango siya at agad na ikinawit ang braso sa leeg ng asawa 'tsaka ito siniil ng halik. Hindi niya alam kung anong ginawa niya para maging deserving kay Javier. Pero habangbuhay niyang ipagpapasalamat na dumating ito sa buhay niya.
Humigpit ang hawak ni Javier sa bewang niya at mas kinabig pa siya palapit. Kapwa sila naghahabol ng hininga nang mag-agwat ang labi nila.
"We need to stop. Baka hindi tayo makapunta sa bahay." Bulong nito at ikiniskis ang ilong sa ilong niya.
Natatawang lumayo siya rito at bumalik na sa pag-aayos ng sarili. Itinali niya ang buhok at nag-apply ng manipis na lipstick. Humakbang siya paatras at pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. High-waist na skinny jeans ang suot niya at off-white na crop top. Mukha naman siyang disente kahit papaano.
![](https://img.wattpad.com/cover/14441270-288-k745618.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomansaHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...