Chapter Five
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Itinikom ni Hazel ang bibig at sinalubong ang madilim na mata ni Javier. Bigla ay para siyang tinubuan ng kaba sa ginawa. Shit lang! Bakit ba siya nakialam sa mga ito? Paano kung nagkamali pala siya? Paano kung talagang si Colline at Javier talaga ang nakatadhana?
Gusto niyang tumalikod at umalis na lang. Mas gugustuhin pa yata niyang makipag-usap na lang sa mommy niya kaysa kay Javier. Pero sa halip ay tumango siya. Iyon lang yata ang hinihintay ni Javier dahil bumaba ang hawak nito sa kamay niya at hinila na siya. Walang kibong sumunod siya dito habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay. Kamay niya ang hawak nito pero bakit pakiramdam ni Hazel ay puso ang iniabot rito?
Binuksan ni Javier ang pinto ng sasakyan nito at tahimik naman siyang sumakay. Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa makaikot ito sa driver's seat at makasakay.
"Fasten your seatbelt." Anito at agad naman siyang tumalima. Nang maikabit ay muli niya itong sinulyapan. Tahimik ito habang minamaniobra ang sasakyan hanggang sa makalabas na sila sa parking lot. Pakiramdam ni Hazel ay mabibingi siya sa katahimikan kaya tumikhim siya.
"Si Colline?" Tanong niya. Curious siya kung nasaan ang demonyita. Kung inihulog na ba ito ni Javier sa kanal?
"Isinakay ko ng taxi pauwi."
Agad niyang ibinaling ang tingin sa bintana para itago ang pagsilay ng ngiti sa labi. Hindi niya mapigilang magbunyi sa nalaman. Hazel, one. Colline, zero.
"Ayos lang ba kung sa bahay ko tayo pumunta?" Tanong ni Javier at sa bilis ng ginawa niyang paglingon ay himalang hindi siya naipitan ng ugat sa leeg.
"Iuuwi mo 'ko agad? Hindi ako ganyang klase ng babae. Conservative ako, Javier." Dinaan niya sa biro kahit pa mabilis ang tambol ng puso niya. Bumunghalit naman ng tawa si Javier at kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya.
"Sorry. Kung gusto mo sa..."
"Okay lang kung sa bahay mo." Muli niyang ibinalik ang tingin sa bintana at hindi na ito sinulyapan. Mahirap na at baka mamaya ay magka-ideya pa ito sa mga tumatakbo sa isip niya. What she's thinking is far from being innocent. Aba! Masisisi nyo ba siya? Isipin pa lang niya na silang dalawa lang sa bahay nito ay...
Napaubo siya at agad na dinama ang nag-iinit na pisngi. Bigla siyang nainitan. Pinaypayan niya ang leeg gamit ang palad at mukhang napansin naman ni Javier dahil nilakasan nito ang aircon. Pero sa halip na mahimasmasan ay mas lalo pa siyang nainitan.
HINDI INAASAHAN NI Hazel na talagang bahay ang tinutukoy ni Javier. Akala pa naman niya ay sa condo lang ito nakatira. Simple pero maalinis ang two-storey house ni Javier. Pagpasok pa lang ay alam na kaagad ni Hazel na masinop ito sa gamit. Wala man lang kakalat-kalat at mukhang lahat ay nasa tamang lugar. Bigla tuloy siyang nahiya. Malinis rin naman ang condo niya, makalat lang. Wala na rin kasi siyang oras na mag-ayos pa kaya kung saan niya maipatong ang gamit ay doon na 'yon hanggang sa kailanganin niya ulit. Once a week naman ay may naglilinis ng bahay niya pero talent yata talaga niya na manggulo.
"Kumain ka na?"
Inilapag niya ang sling pouch sa sofa 'tsaka nilingon si Javier. Nagtanggal ito ng sapatos bago isinara ang pinto.
"Yeah. Katatapos lang."
"Anong gusto mong inumin?" Tanong nito.
"May beer ka?"
Ngumiti si Javier 'tsaka ito dumiretso sa kusina. Gusto niya itong sundan pero naupo na lang siya. Nang bumalik si Javier ay may dala na itong anim na beer in can. Agad nitong inilapag sa mesa ang dala at naupo sa carpet 'tsaka sumandal sa sofa. Isang dangkal ang layo nito sa kanya pero sapat na 'yon para magliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Destiny
RomanceHazel Joy Buenaventura is known as the feisty red-haired doctor who will play with anyone with a dick between their legs. Binansagan siyang resident playgirl at heartbreaker. Mas maraming beses pa raw siyang magpalit ng nobyo kaysa magpalit ng edad...