Swim
Napaangat ang kilay ko nang mapagtanto kong si Cid ang nasa harap ko, nakangisi.
"Daming dada, anong order mo?" tanong ko, medyo naiiritang tumingin sa kanya.
Tinitigan niya ako ng maigi, may ngisi pa ring nakapaskil sa mukha niya. Hindi ko maiwasang mairita sa pagmumukha niya kasi hindi ko pa rin makalimutan ang kahayupang ginawa niya sa condo niya no'ng huling beses kaming nagkita.
"Wala. I don't like your pizza here," sagot niya, diretso.
"Gago? E anong pinunta mo rito?"
Hindi ko alam kung bakit na-offend ako sa sinabi niya. Alam kong hindi naman talaga masarap 'yong pizza dito, pero nakakabanas 'pag sa kanya nanggaling.
"Nothing," simpleng sagot niya habang pinalibot ang tingin sa buong café. "So, you're working here?"
"Obvious ba?" sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili.
"So, what time does your shift end?" tanong niya.
I scoffed, rolling my eyes. "Wow, feeling close?"
"I'm fuckin' asking, idiot," ayan lumabas na ang totoong ugali ni gago.
"Ano bang pake mo?"
Hinayaan ko siya roon at umalis ako sa harap niya para balikan ang nililinis kong mesa. Pero hindi pa rin siya sumuko, sumunod pa rin.
"Come with me."
Napatigil ako at napalingon. "Ha?"
"Punta ka with me," pilit niyang pagtatagalog. Halos matawa naman ako. Iyong tunog ng accent niya talaga, nakakatuwa.
"Hamburger."
"I'm damn serious!" lumakas ang boses niya kaya napatingin ako sa paligid, baka marinig ng mga katrabaho ko.
"Gago, lower your voice, Cid," banta ko sa kanya.
"I'm calm."
"Tingin nga ng kalmado," pang-aasar ko.
Kitang-kita ko kung paano niya inayos ang tindig niya, parang gusto talagang ipakita na kalmado nga siya. Hindi ko na napigilan at natawa ako nang malakas. Uto-uto talaga, ampota.
"Why the fuck are you laughing?" inis na tanong niya.
Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa gilid ng mata ko sa kakatawa. "Para kang timang."
Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin. "What's timang?"
"Handsome," ngisi kong sagot, pilit na kinokontrol ang tawa.
"So I'm handsome to you?" ngumisi siya. "See? You ate your words the last time."
Mas lalo akong natawa. "Oo, sobrang timang mo."
"Yeah, I'm proud timang," sabi niya habang tumatango-tango pa, proud na proud sa sarili niya.
"Oh lord, mamatay na ako sa kakatawa dito," sabi ko habang hawak ang tiyan ko na sumakit na kakahagikgik.
Pinanood niya lang ako habang nagpapaka-tanga kakatawa. Nang makarecover na ako, inayos ko rin ang sarili ko.
"So, are you going with me?" ulit niya.
Napa-isip ako. Wala naman akong gagawin tonight, natapos ko na lahat ng assignments ko kaninang umaga.
"Pwede naman, basta 'wag lang sa condo mo." Humakbang ako pabalik sa cashier para magligpit ng gamit.
"You don't like my condo?"
Napatingin ako sa kanya. "Who would want to?"
Tangina, akala niya ba nakalimutan ko na 'yong ginawa namin doon last time? Na-trauma ako do'n ah.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox; he pushes away help yet silently...