Chapter 50

21.5K 635 625
                                        

Hello, this is the final chapter of Without Toppings! Thank you for every page you turned, for every tear you shared, and for every heartbeat you lent to Yuno and Cid's story. This journey has meant the world for me, and I'm so grateful you stayed until the very end.

But love doesn't end here. See you in the epilogue!

。ᡣ𐭩

Toppings  

"Ayan na si Kelvin," sabi ni Fifth, nililingon si Kelvin na kakarating lang. "Ito si laging late, eh!" 

Nasa bar kaming magtotropa, nagkayayaang uminom sa isang exclusive bar. Ngayon na lang ulit kami nakumpleto. Puro busy kasi sa mga kani-kaniyang buhay, e. 

Bukod kay Josen na palagi kong nakakasama nitong mga araw dahil kasabwat namin siya sa plano, itong dalawa — si Fifth at Kelvin — ang pinakamadalang naming makita. 

Inabutan ko si Kelvin ng wine glass bago nilagyan ng tequila. "Mukha kang kinantot ng buong mundo." 

Pansin ko agad 'yong eye bags niya. Tangina, parang sabog. Kung hindi ko tropa 'to, iisipin ko talagang nagda-drugs. 

"Puyat lang sa trabaho, pre," sagot niya sabay lagok ng alak. "Tangina kasing clinic na pinatayo ko, minsan nakakapangsisi sa sobrang busy." 

"Ginusto mo naman 'yan," nakangising sagot ko, iniikot ang baso. "Akala ko ba 'pag may binabahay na, glowing?"  

Kelvin snorted and poured himself another shot. Umirap siya, halatang naaasar. "Huwag mong banggitin pangalan niya. Naiinis ako." 

"Bakit?" tanong ni Josen. 

Kelvin frowned. "Namasyal with kids. Hindi ako sinabihan." 

"Sus, pabayang ama ka lang talaga," sabat ni Fifth. "Kamusta pala mga anak mo, pre?" 

Kelvin glanced at him, one brow raised. "Bakit? Hihiramin mo na naman?" 

"Kung pwede," sagot ni Fifth, nakangisi. 

"Tingin mo sa mga anak ko, laruan?" Tinaasan siya ng daliri ni Kelvin. 

"Nagdadamot ka, amputa," hirit ni Fifth. "Ipapasyal ko lang din naman, eh." 

Lumingon si Josen kay Fifth, may ngising may laman. "Mag-anak na kasi kayo ni kalbo." 

"Inaaraw-araw ko na nga 'yon, e. Pero ayaw pa rin magbuntis," balik ni Fifth. 

Tumawa kami lahat. Inangat ko ang phone ko at pinakita sa kaniya. 

"Sending kay Fabian, pre. Ready mo na lang sarili mong maging punching bag." 

Agad niya akong sinugod para agawin ang phone. Mabilis ko namang tinago. 

"Puta ka, 'wag gago! Hirap na ngang suyuin 'yon!" 

"Sus, masokista ka naman. Lakas pa ng kink mo sa ganiyan," sabat ni Josen, umiiling. 

"Nga pala," putol ni Fifth habang umiinom. "Malapit na ang Olympics. Kamusta na 'yong plano niyo?" 

Three days before Cid's competition.  

Sa mga nakaraang linggo, naging abala kami sa pagpapatupad ng plano. We had already entered Phase Two — the documentation stage. We began collecting real testimonies from victims of the system.  

Marami kaming nalaman sa mga kwento nila. Sari-saring karanasan, pero iisa ang tinutumbok: kung paanong ginamit at minanipula ni Akuma Takahashi ang mga atleta para sa pansarili niyang interes. Pinagkakakitaan. Pinatahimik. Tinanggalan ng karapatang mangarap.  

Without ToppingsWhere stories live. Discover now