Chapter 29

24.2K 684 834
                                        

Food

"Jester, gising!" I called out, knocking repeatedly on his door.

It was 11 a.m., at unang araw ng pasok namin ngayon para sa second semester. Hindi na kami nag-abala gumising nang maaga since sabi niya may opening program lang sa umaga. And it wasn't really necessary to attend; the most important part was the afternoon session dahil may orientation.

Pero heto si tanga, hindi pa rin gumigising kahit mag-aalas-dose na. Nakakainis. Kanina pa ako kumakatok nang paulit-ulit, ni hindi ko na nga kinalimutang pihitin ang doorknob — baka mamaya matawag niya na naman akong stupid.

"Brad," pagtawag ko kay Brad na kakatapos lang kumain sa food bowl niya.

Instead of acknowledging me, she sat on the floor, casually licking her paw as if the world outside her didn't exist.

"Tulungan mo 'ko gisingin 'tong amo mo, Brad," pagtawag ko ulit, pero tinignan lang niya ako at bumalik sa ginagawa niya.

Tanginang dalawang 'to, parehas hayop.

Bago pa ako makabalik sa kusina, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Jester. He stepped out, hair messy and bare-chested. Halatang kakagising niya lang. Ang kapal ng mukha para sabihan akong tulog mantika kahapon.

Busangot akong bumalik sa kusina at umupo sa stool. Naka-ready na 'yong pagkain. Nagluto lang ako ng simpleng brunch food namin.

"What time is it?" he asked, voice groggy as he followed me to the kitchen.

"Mag-aalas-dose na, tanga," sagot ko at sinimulang kumain. "Bilisan mo na d'yan."

"The orientation will start at 1:30. We still have time," he said casually, taking the other plate and sitting beside me. Hindi ko siya pinansin.

"Aga-aga, ganyan na mukha mo," asar niya, nakangisi na parang gago.

Tinignan ko siya sa gilid ng mata, at mas lalo akong naasar nang makitang lumaki 'yong ngisi niya. Tanginang 'to, kung ganito lagi mangyayari buong taon, masisiraan ata ako ng bait.

"Ikaw ba naman nakikita ko."

"Swerte mo nga, e," nakanguso niyang sabi, pointing to himself. "Pogi-pogi ng roommate mo."

"Kumain ka na bago pa kita masaksak ng tinidor," inis kong sagot sabay pinatunog ang tinidor na hawak ko.

"Sungit. Nireregla ka ba?" asar niya pa. "Bilhan na ba kita ng napkin?"

"Kapag 'di ka pa tatahimik, Jester, baka ikaw 'yong duduguin," banta ko pagkatapos uminom ng tubig.

I just heard him chuckle, and good thing he started eating. Baka mamaya may lumipad na tinidor sa gilid niya.

"May training kami until 9 p.m.," he said after a few minutes of silence.

"Ano naman?"

"You can wait for me in the lobby," he suggested, his voice muffled as he chewed.

"Hindi mo na kailangan akong sunduin. Kaya kong umuwi," sagot ko habang nililigpit ang pinagkainan ko.

"We talked about this. You're gonna wait for me every time," nakakunot-noo niyang kontra.

"Hindi ako sumang-ayon. Uuwi ako kung kailan ko gusto," sagot ko bago siya hinarap. "Tsaka ngayon lang ako pumayag na sabay tayo."

"What the—? It was a deal yesterday!"

"Bakit ba? Dadagdag lang ako sa responsibilidad mo, tsaka may masasakyan naman pauwi," I countered.

"Come on, you could save money if you'll ride with me," he explained. Umiling ako. Ito na naman siya sa pagiging paladesisyon niya.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now