Chapter 35

21.1K 666 780
                                        

Constantine

"I think this order is mine," rinig kong pag-ulit niya, pero hindi ko agad naproseso ang sinabi niya dahil nakatuon ang pansin ko sa mukha niya.

His dark brows knitted as he looked at me, his deep emerald eyes filled with curiosity. Nagtataka siyang nakatingin sa akin, at pansin ko rin ang bahagyang pagngiwi ng mala-rosas niyang labi.

I also noticed how we were of the same height and had the same slightly wavy hair. His head tilted slightly as he leaned in closer to my face, making me even more convinced of what I was seeing.

Siya nga. Siya 'yong nasa video. Hindi ako nagkakamali!

"Why? Is there something on my face?" he asked, looking a bit worried.

Napakurap ako nang ilang beses bago ko napagtanto na kanina ko pa pala siya tinititigan. Tangina, Yuno, masyado ka namang nawili sa pagmamasid sa mukha niya!

Umiling ako. "So, Constantine rin pangalan mo?"

His brows furrowed even more as he slowly nodded, looking confused. "Yeah? Constantine is my name."

"Constantine rin pangalan ko," I said with a grin. "I mean, 'yong second name ko."

"Ah... I see."

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakakapit pa pala sa kanya. Agad ko namang binitiwan iyon at napakamot sa batok, ramdam ang init ng hiya sa mukha ko.

"Tangina, sorry, hindi ko sinasadya."

"No worries. It's fine," sagot niya bago siya napatingin sa paper bag sa harapan namin.

Sinundan ko ang tingin niya at napansin kong hindi nga talaga iyon ang order ko. Cake lang ang laman ng bag — walang kasamang ibang pastries. Mas lalo akong nainis sa katangahan ko.

Magsasalita na sana ako nang siya ang unang bumasag ng katahimikan.

"Do you know me?" he asked. Napatingin ako muli sa kanya, hindi alam kung sasabihin ang totoo.

Sasabihin ko bang kilala ko siya?

Gago, Yuno, kailangan pa bang itanong 'yan? Malamang sasabihin mo! Ang weird kaya ng ginawa mo kanina, at baka mamaya isipin pa niyan na chumachansing ka lang sa kanya.

Tumango ako. "May napanood akong video ng swimming competition mo dati. Kaya familiar ka sa 'kin."

"So you're a fan of swimming?" he asked.

"Hindi gano'n, pero may mga kakilala akong mahihilig sa swimming," sagot ko, nakangiti. "At alam kong kilala mo rin sila. Close mo rin ata, e."

"Really? Who are they?" nagtatakang tanong niya.

Kapansin-pansin ang hinahon ng boses niya. His voice really suits his face — kalmado at maamo.

"Secret. Hindi naman tayo BFF para sabihin ko," nakangising pang-aasar ko.

Natawa ako nang bahagyang bumagsak ang mukha niya at bahagyang napanguso rin. His face was so expressive; you could easily tell what was going on in his mind. It reminds me of Venice.

"I can't sleep if you're not going to tell me," he said, slightly sulking.

Dapat lang na ma-curious ka boy!

"Taga-rito ka lang naman siguro?" tanong ko.

"Kakauwi ko lang sa Pilipinas last week," sagot niya na bahagyang ikinagulat ko.

So all this time... meaning no'n wala siya sa bansa habang nagkakasagupaan 'yong dalawa?

At kung kakauwi lang nito sa Pinas, I wonder if he has met Jester and Cid yet. Sayang naman kung hindi pa. Mukhang close pa naman silang tatlo base sa video na nakita ko — 'yong pinasa sa 'kin ni Josen.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now