Await
"Jester, buksan mo 'yong pinto!" I kept knocking on his door, trying to control my rising temper.
Umagang-umaga, iniinis na naman ako ng gagong 'to! I've been here at Hidalgo's house since 9 AM dahil sa nalaman ko— something I'm sure siya na naman ang may pakana.
Napakagat-labi ako at saglit na napatigil sa pagkatok. Hindi pa rin niya ako pinagbubuksan, tangina.
Alam kong nandito siya, and yet ayaw niya akong pagbuksan. Tangina talaga. Hindi naman siya heavy sleeper para hindi magising. Kung hindi lang bawal, sinira ko na sana 'tong pintuan ng kwarto niya.
My phone buzzed, and I pulled it out of my pocket. I received a text from him, which only fueled my anger.
×××
Jester: The damn door is open, stupid.
×××
Napahinto ako at napatingin sa doorknob. Oo nga naman. Hindi ko man lang naisip pihitin, at pinagkakatok ko lang nang parang tanga.
Malay ko ba? Kung hindi lang mainit ulo ko e.
Taking a deep breath, I swung the door open.
"Tangina mo, Jester, hayop ka—" I stopped. "Oh... hayop nga."
Instead of the culprit, Brad, her cat, greeted me.
"Meow."
Nawala agad 'yong inis ko nang kumiskis 'yong balahibo ni Brad sa paa ko. I crouched down and scooped her up, cradling her like the baby she was.
Pero hindi nagtagal ang atensyon ko kay Brad, hinanap ko agad 'yong kinanginang amo niya, na agad ko rin namang nakita sa kama niya.
Prenteng nakahiga si Jester sa king-size bed niya. His eyes were closed, like he wasn't even fazed by my loud voice.
Tapang, ah?
I stormed over, planning to mess with him. Pero natigil lang din ako nang may mapagtanto ako.
Hubo't hubad na naman siya, tangina.
His arms were stretched above his head, showing off his muscular body flexing right in front of me. Sus, meron din naman akong ganyan.
Napalunok ako. Bumaba ang tingin ko sa lower body niya... and thank God it was covered by the comforter.
Yeah, Jester does like sleeping with no clothes. Asim, puta.
Binaba ko si Brad sa kama, and she immediately jumped off. Kinuha ko 'yong unan na nasa gilid at bumwelo nang malakas.
"Hoy, tangina mo, gising!" I smacked him hard with the pillow.
"Fuck," he groaned as the pillow repeatedly hit his face. Bumangon siya at ginamit 'yong braso niya na pang-ilag.
"Tangina mo! Gago ka, Jester!"
"What the fuck is wrong with you?" reklamo niya kaya tumigil ako sa pagbato ng unan.
"Ano 'yong pinagsasabi mo ha?!"
"Ano? Ang brutal mo, tangina," reklamo niya, hinihimas 'yong pisngi niya. "Ang aga-aga pa."
I scoffed. Siya pa talaga ang may ganang magreklamo? E, umagang-umaga niya pinapainit ulo ko.
"Tumawag sa akin 'yong magulang mo!" I snapped, glaring at him. His face showed no sign of worry. Gusto ko na siyang suntukin.
"Then? They always call you. Gawain naman talaga ng magulang ko 'yan sa 'yo."
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
