Chapter 13

5K 212 296
                                    

Shift

"Pre, ayos ka lang ba?" tanong ni Josen, kanina ko pa napapansin na panay ang sulyap niya sa leeg ko.

"Bakit?" tanong ko, kasabay ng paghaplos sa leeg ko, kahit alam ko na ang tinutukoy niya.

"May iba ka bang pinagkakaabalahan?" kunot-noong tanong niya. "Dalawang beses na kitang nakitang puno ng band-aid 'yang leeg mo."

Kinabahan ako sa tanong niya. Hayop, akala ko hindi mapapansin. Sobrang binalewala ko yata ang pagiging usisero ni Josen.

Tangina naman kasi si Cid, sabing 'wag mag-iiwan ng marka sa leeg. Pero hindi nakaintindi si gago at buong gabi siyang nagpaskil ng hickeys sa 'kin.

Naka-schedule kasi kagabi 'yong ginawa namin, at saktong magkikita pa kaming magt-tropa ngayon kasi tutulungan nila ako para sa exhibit ko. Bad timing nga naman.

"Dami kasing lamok pre," palusot ko. "Maulan e."

"Sus, kagat ng lamok? Talagang lima pa d'yan sa leeg mo?" singit ni Fifth mula sa driver's seat. "Chikinini 'yan e, gago. Kami pa talaga uutuin mo?"

Hindi lang talaga to lima mga tanga. Sa katawan ko mas marami, halos ginawa akong chichirya ni Cid kagabi sa kama niya. Walang awang hapon 'yon.

Ramdam kong may inis pa rin siya kahapon gawa no'ng IG story ko last week. Ramdam ko 'yong gigil e, akala mo mauubusan at may kaagaw sa katawan ko kagabi. 

Lesson learned mga tropa. Dapat pala hindi ko inaasar, ako kawawa sa huli e.

"Siguro may inuuwi kang babae sa apartment mo ano?" kantyaw ni Kelvin mula sa passenger seat habang pumapapak ng donut.

"Anong babae? Gago ka ba?" asik ko.

"Oh chill, defensive masyado," natawa naman silang tatlo sa reaksyon ko. Mga tarantado.

"Hindi ka talaga nahiya, ha. Talagang sa araw pa ng exhibit mo," sabi ni Josen, umiling na lang.

Ngumuso ako. Paano kaya kung sabihin kong lalaki ang may gawa nito? Matatahimik kaya sila? Kinuha ko na lang ang windbreaker ko sa gilid at sinuot uli iyon para matakpan ang leeg ko.

"Bukas anong oras exhibit mo, pre?" tanong ni Fifth.

"10 AM daw," sagot ko. "Sabi ni Sir Gomez."

Napatingin ako sa pinakamalaking canvas na dala ko. Bukas na ang exhibit ko sa Mall, may visual art event kasi na sponsored ng iba't-ibang art brands. At gaya ng dati, isa ako sa mga exhibitor na ni-represent ng school sa event na 'to.

Sa compartment ng kotse ni Cid, may iba pang canvas. Mostly nude paintings at vistaluna-themed artworks ang dala ko, mga paborito kong ishowcase. For exposure lang naman, 'di ko binebenta ang mga paintings na 'to.

"Hindi ata ako makakapunta, pre. May training," ani ni Fifth, abalang nagmamaneho.

"Ako rin, pre. May ico-cover akong sports event e," sabi ni Josen, medyo nahihiyang ngumiti.

Ngayon ngang season ng laro, batak sa training si Fifth. Halos 'di ko na nga siya makita-kita sa campus at 'di na rin nakakasabay sa amin kumain. Kita mo talagang gusto niyang tapatan at makaganti doon kay Russ e. 

Si Josen naman, aspiring journalist at officer sa school publication. Kaya batak din sa pagsusulat at pagmamanage ng club nila.

Napatingin ako kay Kelvin. Kitang-kita ko ang malaki niyang ngiti sa akin. "Ako pupunta."

Si Kelvin naman... barumbado lang talaga.

"Para manggulo at maghanap ng babae roon?" kantyaw ko.

Wala nang ibang ginagawa 'to pag may exhibit ako kundi maghanap ng babaeng mahilig din sa art. Gano'n daw mga tipo niya e. Tignan niyo bukas, paikot-ikot na naman 'to sa buong exhibit at bumibili nang kung ano-ano sa mga babaeng exhibitor na natitipuhan niya.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now