Impulse
"I did this in a span of a day— literally tinapos ko siya just like how you gave me your lecture last week," ani Mika habang pinapakita sa akin 'yong natapos niyang artwork.
"Woah, your blending is improving, Mika," sagot ko, namamangha kung gaano siya kabilis natuto.
She did a sunset painting with pink and purple hues, with the silhouette of two girls in the foreground. We've only had about four sessions, pero ang bilis ng improvement niya.
Pinakatitigan ko 'yong strokes niya ngayon at pag-gamit ng mga kulay. Maganda, maayos, at malinis. May kaunting parts lang na hindi masyado smooth ang blending at ilang strokes na naliligaw, pero sigurado akong matututo rin siyang makontrol iyon.
"Really? You're a great teacher kasi," sabi niya sabay halakhak. "I remember Taku telling me to change my tutor. Hmp, that dumbass would probably eat his words when I show this to him."
Napataas ang kilay ko. Talaga? Gusto ako tanggalan ng trabaho ng Hapon na iyon? Ang sama talaga ng ugali.
"Hayaan mo na. Alam mo naman 'yong ugali ng pinsan mo," sabi ko habang nililigpit 'yong brushes sa harapan namin.
Nasa bahay nila kami ngayon. Katatapos lang ng art session namin, at may balak pa akong pumunta sa mall pagkatapos. Bibili ako ng wrapping paper para sa regalo ko sa birthday ni Kelvin bukas.
Ginawan ko siya ng artwork sa 8x10 canvas— iyon kasi ang pinangako ko sa kanya noon. Nag-request pa nga siya kung ano ang ipipinta ko. Ang kapal, pero okay na rin.
Of course, it's his new obsession. He gave me a graphic character reference, na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Wala na akong nagawa kaya pininta ko na lang para sa ikakasaya ni tanga.
"He's always like that, Yuno. Taku is so protective of me. Akala niya siguro another palusot ko na naman 'to," nakangusong sabi ni Mika habang nagdodoodle sa sketchbook niya.
Saglit akong natigil sa pagliligpit. "Bakit? May nangyari ba noon?"
"I mean, I had a huge crush on you before, and he knows it. Kaya siguro ayaw niya— OMG," sabi niya matapos marealize ang sinabi niya. Napansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya.
Napangisi ako sa cute niyang expression. "Ano 'yon? Crush mo ako?" I teased.
"Oh my god, dati 'yon, okay?" bawi niya. "May bumabakod kasi, kainis. Kaya napilitan akong mag-move on."
"Bakod?"
"Wala, don't bother about it," aniya sabay tawa nang mahina. "So, ayon na nga, I had this boyfriend before. It was a total secret since bawal ako magka-boyfriend."
"Why? Bawal sa parents mo?" tanong ko.
Tumango siya. "Yes, my parents were against it. But Taku caught me and warned me na isusumbong niya ako kay Dad."
Ang strict naman kung gano'n. Nasa tamang edad naman na si Mika.
"Sinumbong ka nga ba?"
"Nah, he didn't. Binilhan ko siya ng parts para sa robots niya to compensate for it," she rolled her eyes. "What a scumbag, right?"
Natatawa ako sa pagkukuwento ni Mika. Ang arte niyang magsalita, pero 'yong tipong nakakatuwa kasi alam kong hindi pilit.
"Agree ako d'yan," pagsang-ayon ko. "Pero at least 'di ka niya sinumbong."
"Of course, he wouldn't." Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Mika. "Then, I caught my boyfriend cheating on me."
What the fuck? Parang nakakarelate ako ngayon— I mean doon sa part na parang pinagtaksilan ako.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
