Strange
Ngayong taon lang ako naghahangad ng sweater kaysa makakuha ng pera ngayong buwan ng December. Hindi ko alam kung bakit, pero iba 'yong lamig ng buwan ngayon, parang dumoble.
I scrolled through my phone, hoping for a message, pero wala akong natanggap kahit isa ngayong araw. Baka napagod na? E, hindi ko ba naman sinasagot kahit panay chat at text sa akin noong mga nagdaang araw.
Dumagdag lang 'yong inis ko no'ng huling pumunta ako sa condo niya. Bibisita pala si Venice sabay pinadeliver niya ako roon? Tangina niya.
"Yuno," rinig kong tawag sa akin ni Kiel mula sa gilid.
Tamad ko siyang nilingon. "Ano 'yon? Delivery?"
Umiling siya at may iniabot sa akin. Tiningnan ko kung ano iyon— vitamins.
"Ano 'to, tropa?"
"Take mo, baka maging maayos na pakiramdam mo."
Kumunot ang noo ko. Wala naman akong sakit, ah? Maybe may dinadamdam, pero 'yong sakit na sakit talaga, wala. Never.
Ouch. Hapdi ng puso ko.
"Maayos naman ako," sagot ko, sabay iling at balik sa pangangalumbaba.
"Ang tamlay mo ilang araw na, simula no'ng nag-December," aniya habang nagsisimulang magpunas ng mesa. "Inumin mo, baka makatulong."
Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang siya habang abala sa ginagawa niya. Masyado bang obvious ang pagiging matamlay ko? Hayaan na. Palagi namang ganito ako 'pag ganitong buwan.
Tumayo ako at nagpatuloy sa paglilinis ng counter area. Magsasara na rin kami ilang minuto.
"Salamat, tropa. Kabag lang 'tong nararamdaman ko," pagdadahilan ko, sabay tawa nang mahina.
December has always been the saddest month for me. Noong bata pa ako, excited na excited ako tuwing sasapit ang buwan na 'to. Ramdam ko noon— 'yong pasko, 'yong pailaw sa labas, 'yong ingay at lamig ng hangin na dati, komportable akong damahin.
But it eventually changed. December was the month when Nanay left us.
It was also the month that made me start doubting her intentions. Kung tama ba na kailangan niya kaming iwan para maging masaya ulit, kung tama bang iwan niya kami para sa kapakanan naming dalawa ni Hiro.
Minsan naiisip ko nga— paano kung nag-stay si Nanay? Would I still struggle finding money? Would I still endure all that suffering just for Hiro and me to survive?
Maybe. Depende.
Kasi, hindi rin naman gano'n kaganda ang buhay namin dati, kung tutuusin. We struggled to find food and a decent place to stay even before. Pero alam niyo 'yon— may pinanghahawakan pa rin akong what if's.
At isa doon, na sana naisip niya, kahit gano'n kahirap ang buhay namin noon, at least buo kami. Sabay sana kaming tatlo lumaban kahit wala si Tatay.
Inis akong napabuntong-hininga. Ito na naman tayo, Yuno. Ayan ka na naman sa mga iniisip mo. It was fuckin' years ago, bakit mo pa sila iniisip? Kung kinaya nilang kalimutan kami, kaya ko rin silang kalimutan!
Tarantadong December kasi 'to. Kung pwede ko lang alisin ang buwan na 'to sa kalendaryo, ginawa ko na.
"Saan punta mo, pre?" tanong ni Kelvin nang makita niya akong palabas ng university.
"Uuwi na," sagot ko at napatingin sa suot niya. "Bihis na bihis ka, ah."
Ngumuso si Kelvin. "Bar, oyat maya."
"Gago, pass," ani ko. "Ayoko muna uminom."
Hinawakan ako ni Kelvin sa balikat at pinatalikod niya. His hands moved as if searching for something on every part of my body.
