Admit
"Now, tell me what this is all about, Yuno."
Naputol ang pagkatitig ko sa mga litrato na nakapost sa Freedom Wall. I saw anger etched deeply on Jester's face. Nag-iigting ang kanyang panga, ang mga mata niya'y umaapoy sa emosyon.
Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya ngayon. It was all just false accusations from a dummy account posting our photos. Kahit nang tingnan ko ang comment section, napakaraming litrato namin ni Cid ang nakalagay — pero mali-maling kuwento ang nailagay roon.
Each caption twisted the truth, weaving lies out of stolen moments. Ang dami pang reply na puro fake news, nagkakagulo na sa komento. A frenzy of accusations building baseless narratives.
Malamang hindi pa naman kami ni Cid, kaya wala pa dapat silang ikakagalit.
Well, for now.
"Magkaibigan kami, Jester, that's all," sagot ko at ibinalik sa kanya ang phone.
Pilit kong pinapanatili ang kalmadong mukha, pero hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko.
"Magkaibigan pero nagsusubuan?" galit niyang tanong, his voice cracking slightly as his frustration spilled out. His words stung, making me frown.
"Why are you making a fuss about it? Wala pa nga akong narinig na reklamo kay Cid, tapos ikaw ang dami na?" balik na tanong ko sa kanya.
Tumataas na rin ang tono ko, ngunit hindi ko magawang makipagsabayan nang husto. I couldn't ignore the storm brewing in his eyes.
"Ito ba 'yung tanginang dahilan kung bakit atat na atat kang hindi sumabay sa akin?"
"Tangina? Napag-usapan na natin dati na uuwi ako nang mag-isa, Jester," balik ko habang tumataas na rin ang boses ko.
Jester scratched the tip of his brows, exhaling sharply, and looked away for a moment. Halatang pinipigilan niya ang galit niya. Mahigpit ang hawak niya sa phone, naglalabasan ang ugat niya roon.
I swallowed hard, realizing how much this was affecting him too.
"You don't get it, do you? Do you even care what people are saying? About him? About you? You're—"
"Bakit ba, Jester? Wala namang masama kung magkasama kami," putol ko sa kanya.
Jester's face twisted, his jaw tightening further. "Because you're gonna get hurt eventually!"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Alam mong maraming tao ang puwedeng manira sa 'yo ngayon na na-link 'yong pangalan mo sa kanya. And worse, you could get into trouble."
"Tangina, wala naman kaming ginagawang masama para maging ganyan kalala? And if that photo spreads, then give it to them. Wala akong pake. So stop acting like you've predicted something na hindi pa nga nangyayari."
Naiinis siyang umiling. "Kakatransfer mo pa lang. Kung ganito lang naman pala ang mangyayari, sana hindi ko na sinabi kina Mom."
"See? It was you all the time! Ang hirap kasi sa 'yo, ang hilig mo mangialam sa buhay ko."
"Because I fuckin' care about you, Yuno!" Jester's voice cracked, raw with emotion. His eyes bore into mine, trembling with everything he was holding back.
"Care?" Tumawa ako nang pilit, umiiling sa naririnig mula sa kanya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo, kahit dati pa, hirap na hirap akong pakisamahan ka. Iyong mga bagay na gusto mo ay 'yong mga bagay na ayaw ko. Ang hilig mong mangialam."
Napahinto si Jester, halata ang gulat sa mga mata niya. I saw the hurt flash in his eyes, but I couldn't stop myself now. Kusang lumalabas ang mga salita sa bibig ko — mga salitang ilang taon kong kinimkim.
