Chapter 14

19.8K 684 632
                                        

Meddler

"Welcome to Vegas, baby. I want you to come and pay me. Give me the money, give me diamonds, give me rubies, baby."

Napangisi ako habang pinapanood ang sarili kong video. I looked damn hot and extra sexy, lalo na may pinaghuhugutan ako sa kantang ginamit kong pang-thirstrap.

Binilang ko ang mga video na nai-post ko ngayong umaga. One, two, three— almost eight videos posted on my stories in just a fucking hour. Take note, hindi pa kasama 'yong mga pictures na na-post ko.

Baka si Yuno 'to.

Pagkagising na pagkagising ko kanina, ito na agad ang inatupag ko— ang magpasarap at magpatakam ng mga tao. Sa totoo lang, naging kagawian ko na 'to kada umaga nitong mga nakaraang araw. 

Bumabalik kasi sa isip ko 'yong sinabi ni Cid sa akin isang linggo na ang nakaraan. Parang naging daily reminder 'yong sinabi niya sa akin tungkol sa ano talaga ang purpose ko sa buhay. 

Attention seeker? Oo.

Mukhang pera? Medyo.

Masarap? Sobrang sarap!

Tangina, perfect definition ni Yuno, mga tropa.

Well, ganito talaga siguro kapag pogi ka at biniyayaan ka ni Lord. Pwera na nga lang sa life choices, pero at least diretso naman akong pinagpala sa itsura. 

Pinindot ko ang 'post' button para mag-upload ng bagong video sa Tiktok, at wala pang ilang segundo ay dinagsa na ako ng likes at comments. Busog na naman ang mga fans ko sa gwapo kong mukha at hubad kong katawan.

Siguro no'ng sperm cell pa lang ako, may option akong piliin kung ano 'yong gusto ko. At mas pinili kong maging masarap at gwapo kaysa magkaroon ng matinong buhay at buong pamilya.

Chineck ko rin ang IG ko, at nagkumpulan din ang replies sa mga stories ko roon.

Napangiti ako at napakagat-labi nang mapansin ko 'yong IG profile ni Cid sa viewers' list. Kakapost ko lang ng picture, pero nandoon agad siya at naka-view. 

Sus, masyado kang halata Japanese kid! Magpapapansin ako sa social media pero 'di kita papansinin, gago.

Dapat nga kahapon may schedule kami ni Cid sa kama niya, pero bilang ako 'tong si Yuno na papansin at mukhang pera, hindi ako sumipot. Nakailang tawag din siya— lahat hindi ko sinagot.

Bahala kang matigang d'yan, gago. Lintek lang walang ganti.

Akala niya siguro palalampasin ko lang 'yong ginawa niyang pang-iinsulto sa 'kin sa harap ng ibang tao noong nakaraang linggo. Aba, nagkakamali siya roon.

Alam kong kailangan ko ng pera, pero iba 'yong ipinamukha niya sa akin that time. Parang siya pa 'tong walang choice na kinailangan ako, eh siya naman 'tong kulit nang kulit sa akin?

Sus. Kung si Lord marunong magpatawad, pwes kay Lord siya mag-sorry.

Pero nag-sorry nga ba?

Sa totoo lang, may bigat sa pakiramdam ko ngayon na hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil wala man lang akong nakita na kahit anong pagsisisi sa sinabi niya. Parang ako pa talaga ang may atraso sa kanya.

Bahala nga siya, pumutok sana bayag niya.

Napatingin ako sa mga papel na nagkalat sa ibabaw ng kama. Nakatambak ang school activities ko, akala ko kasi pasarapan lang tayo dito buong linggo e. 

Nakaligtaan kong gawin ang mga ito last week, buti na lang mamayang 3 PM pa ang deadline. Makakapasa pa rin siguro ako mamaya, puro designs at essays lang naman ang mga ito.

Without Toppings (Pulses and Flavors Series #1)Where stories live. Discover now