Chapter 32

21.3K 564 1.3K
                                        

Paint (R-18)

"Gawin sana kitang model for my nude painting."

Nakakahiya, kasi parang ang kapal ng mukha ko para humingi ng pabor sa kanya — lalo na't kakagaling lang namin sa isang malaking away dalawang linggo lang ang nakakalipas.

And now, here I am, asking him to be part of my exam. Pero tangina, kung hindi ko naman susubukan, e 'di wala akong option, 'di ba?

"Sure."

"Huh?" My lips parted.

Tila nagulat din siya sa mabilis niyang pagsagot. "Of course, I mean — I'm okay."

I blinked, surprised by his immediate response. Narinig niya ba talaga ang sinabi ko kanina, o nabingi lang siya?

"Sigurado ka? Tutulungan mo 'ko sa nude painting?"

Binasa niya ang labi niya. "Yeah? Kung gusto mo... mamaya na agad pagkauwi. Para matapos agad at maipasa mo sa prof mo."

I shook my head. "May iba pa akong homeworks na tatapusin. Sa Sunday na lang."

"I see. Sure, gawin natin sa Linggo," he said, his lips curling up as if suppressing a grin.

Naglakad kami papunta sa kabilang aisle habang nagpatuloy siya sa pagpili ng kung anong mamahaling inumin. Napansin ko ang patuloy niyang pagngiti habang tumitingin sa iba't ibang klase ng alak. He even shook his head, as if something fun was going through his mind. Nababaliw na ata 'to.

"Pero tentative pa, Jester," sabi ko, na agad nagpakunot ng noo niya at nagpabagsak ng ngiti niya.

"Why? I thought that was settled?"

"Tatanungin ko pa mga tropa ko kung okay sa kanila. Ayokong makaabala pa sa 'yo."

Pero ang totoo, I was still planning to ask Cid. Hindi ko pa naman siya nasasabihan, pero gusto ko siyang subukan. No'ng gabing kumain kami ng balut sa plaza, he gave me a heads-up na magiging busy siya for days. Pero baka naman hindi umabot hanggang Linggo, 'di ba?

Although, nagdadalawang-isip din ako. Ayokong ilantad ang katawan niya sa canvas para makita ng iba. The painting was supposed to be just for my professor, pero ang swerte naman ng prof ko para makita 'yon?

That body was solely for my sight to begin with. Only mine.

Jester raised his eyebrow, the one with a slit. "Tropa mo? Hindi naman mas hamak na mas malaki katawan ko kesa sa kanila."

"Ano konek? Hindi naman palakihan ng katawan 'yong nude painting, gago."

He smiled smugly. Inangat niya ang kanang braso niya at finlex sa harapan ko. "This needs to be in your canvas, Yuno."

I scoffed. "Kapag 'yan pinagtripan ko sa painting, wala rin namang kwenta."

"Then your fuckin' grade will be doomed."

Naiiling akong lumayo at dumiretso sa kabilang section ng drinks kung saan nandoon 'yong mga pambatang inumin. My eyes immediately searched for Chucky.

"But to be fair, being a model isn't free, hmm?" narinig kong sabi ni Jester, na nasa gilid ko na ngayon.

Of course, it wouldn't be free. Sa ilang oras niyang pagtayo o pagiging estatwa sa isang pose, malamang hindi 'yon biro. It needs to be paid with the right amount.

"Name the price, pero presyong kaibigan lang, ah," ngumiti ako at sinimulang magpa-cute sa harap niya. Madadaan ko naman 'to sa konting kiliti lang, e.

"Yuno, you know I won't be needing your money," he said, leaning down slightly so our eyes would meet.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now