Chapter 9

18.7K 561 346
                                        

Fuel

"Gago, pre, viral ka na naman sa Facebook," agad na bungad ni Kelvin nang pagbuksan niya ako ng pinto sa condo.

"Bakit?" takang tanong ko, naguguluhan.

Kakatapos ko lang sa shift ko at dumiretso ako dito sa condo ni Kelvin, nag-aaya kasi sila mag-inuman. Pagpasok ko, nakita ko na sina Josen at Fifth na papalapit, may dalang yelo at ilang bote ng alak.

"Tangina mo, ano ginawa mo sa Fillwood?" tanong ni Fifth habang inilalapag ang dala niyang bucket ng beer. Kumunot ang noo ko.

"Nag-deliver?" simpleng sagot ko.

"Kala ko ba lowkey lang tayo sa mga gulo ngayon?" sabat ni Josen habang umuupo sa harap ko, nag-aayos na ng mga baso. "Paglingon ko kanina, nagkagulo na sa may bandang dulo ng complex."

Nagpatuloy sila sa pag-aayos ng mga gamit habang pinagmamasdan ko sila, unti-unting bumabalik sa isip ko ang nangyari kaninang hapon. 

Are they talking about what happened earlier? Wala naman akong kasalanan doon, ah?

"Ano bang meron?" patay-malisya kong tanong.

Tahimik na inabot ni Kelvin 'yong phone niya. "Tingnan mo na lang," sabi niya, sabay pakita ng isang posted video sa Facebook.

"Pota," bulong ko, nanlaki ang mata nang makita ko sarili ko sa video. 

Wrong angle 'yong pagkuha sa 'kin mga tropa, kingina.

"Gago, pre, ikaw raw dahilan ng away nila Jester at Taku," sabi ni Kelvin. 

Binasa ko 'yong caption ng post. Grabe kung mag-kwento 'tong nag-post, pinalalabas na ako talaga 'yong masama. Nakita pa talaga sa video kung paano ko na-confront si Jester at Cid bago halos magsuntukan ang dalawa.

×××

Yuno, Trencheries student, caused a commotion between the two varsity players of Fillwood, fueling the rivalry between Hidalgo and Takahashi during the regional swimming competition. Trew ba ang chika?

×××

Napairap ako habang nag-scroll sa comment section. Halos lahat ng comments, puro fan girls ng dalawa na nag-aaway na rin. Ang dami rin sa kanila ako ang sinisisi. Syempre, kwento nila 'yan e, ako talaga masama d'yan. Tangina lang talaga.

"Bakit ka ba kasi nandun? Tapos suot-suot mo pa talaga 'yong varsity jacket nila?" tanong ni Fifth habang nagtatapon ng yelo sa baso.

"Kay Cid 'yong jacket," sagot ko habang bumubuntong-hininga. "Pinahiram lang sa 'kin kagabi after the bar. Nag-deliver lang talaga ako sa university nila. 'Di ba, Josen? Nakita mo?"

"Oo, pre, pero 'di ko na alam ano nangyari doon kanina. Paglingon ko, kumakaripas ka na ng takbo," natatawang sagot nito.

"But seriously, pre, pinag-away mo ba talaga sila?" tanong ni Kelvin, nakatingin sa akin na parang isang detective.

"Of course, hindi!" sagot ko, bahagyang naiinis na. "Kung sino man 'tong nag-post nito, sana hindi masarap ang ulam niya hanggang mamatay siya." Kinuha ko ang alak na inabot ni Fifth at tinungga agad.

Pinaningkitan naman ako ng tatlo ng mata nila, parang hindi pa rin kumbinsido sa sagot ko.

"Pota, ano?" singhal ko.

"Pero seryoso, what happened bro?" seryosong tanong ni Fifth, hindi na tumatawa.

Kaya kinuwento ko na lahat ng nangyari kanina, like legit, mula umpisa hanggang sa dulo— well, except sa part na may ibang bagay na nangyari sa amin ni Cid. Tawa sila nang tawa habang pinagmumukha akong gago dahil sa kalokohan ko.

Without Toppings (Pulses and Flavors Series #1)Where stories live. Discover now