Chapter 17

20.2K 601 610
                                        

Frosting (R-18)

Kapag ang inapi ay mas lalong inaapi, dapat gumaganti. Mahirap ba intindihin? Hindi ko rin masyadong gets. Basta ang alam ko lang, may pagtitripan ako ngayong gabi.

Kumuha ako ng plates at spoons mula sa kitchen area para sa cake na kakainin namin. Bumalik ako agad sa table kung saan nakaupo na sina Fifth. Napangisi ako nang makita silang tatlo na tahimik lang na nakaupo sa four-seater table.

Si Cid ay prenteng nakaupo at mukhang excited pa, kapansin-pansin ang sumisilip na ngiti sa labi niya. Katabi niya si Russ, na masama ang tingin kay Fifth. Si Fifth naman, na kaharap ni Russ, ay nakahalukipkip at pinapantayan din ang masamang tingin nito.

"Mukhang excited tayo lahat sa cake, ah?" sabi ko habang nilalapag ang mga utensils sa table. Naputol ang matinding titigan ng dalawa at sabay na napatingin sa akin nang masama.

"Woah, chill," I said and chuckled. "Kakain lang naman tayo ng cake."

"I'd prefer your cak—" magsasalita pa sana si Cid pero pinukpok ko na siya ng kutsara sa noo bago ibinigay iyon sa kanya.

"Selfish," narinig kong bulong niya matapos tanggapin ang kutsara.

Binuksan ko na ang cake na binili ni Russ at inilabas ito. Kuminang ang mga mata ko nang makita kong Chocolate Truffle Cake pala ito. Masarap sana ipagdamot, tangina.

Sinimulan kong hiwain ang cake at naglagay sa isang pinggan. Napansin ko ang tingin ni Fifth sa ginagawa ko.

"Bakit tatlong plato lang 'yan, pre?" tanong ni Fifth, kunot noo. Tangina, napansin niya agad.

"Uh, wala ng maghuhugas e. Saka sayang 'yong tubig, pre, kaya share na lang kayo ni Russ sa isang plato," pagdadahilan ko, pilit na pinipigilan ang pagngisi.

"What the fuck?" I heard Russ curse. "There's no way I'm sharing a plate with you, fucker."

"Hoy, tangina mo, as if gusto ko rin?" sabat ni Fifth.

"Hep, hep, hep! Sa ayaw at gusto niyo, dito kayo kakain," pagputol ko sa dalawa.

Mukhang sasabat pa sila pero nilagay ko na ang plato sa harap nila, at sinadyang punuin ito ng cake. Halos kalahati ng round cake ang nilagay ko roon, na halos hindi na magkasya.

"Ubusin niyo 'yan," utos ko saka nilagay ang isang kutsara sa gilid. Natigilan naman silang dalawa at sabay na nagkatinginan.

"Tangina, pre? Ano 'yan? Pati kutsara ipagdadamot mo dito?" gulat na tanong ni Fifth nang makita ang nag-iisang kutsara na nilapag ko.

I grinned. "Let's conserve water, pre."

"The hell, man," reklamo ni Russ at tumingin kay Cid na tinitignan lang kami. "I'm not doing this— shit!" natigil si Russ nang pasimple siyang sinapak ni Cid.

Pinipilit kong maging seryoso at pigilan ang tawa ko, pero putangina, ang hirap magpigil kaya nagkunwari akong umubo.

"Pre..." rinig kong bulong ni Fifth sa gilid ko, nangungusap ang mukha niya.

Sorry pre, no friends muna ngayon.

"Bakit? Masarap 'yong cake oh," patay-malisya kong sabi.

Umiling siya. "Alam ko, pero tangina isang kutsara lang? Maglalasahan ko ulit 'yong laway niya, pre, hindi ko kaya."

"Arte mo, kumakain nga tayo na sinusubuan ka ni Kelvin gamit kamay niya," natatawang sabi ko.

"Kaibigan naman kasi natin si Kelvin, pero puta, siya?" sabay tingin kay Russ. "Tangina, kahit bunutan mo na lang ako ng pubic hair sa ibaba, magpapasalamat pa ako."

Without Toppings (Pulses and Flavors Series #1)Where stories live. Discover now