Chapter 38

20.4K 716 1.1K
                                        

Enough

"Sigurado ka na bang kakausapin mo na siya?" seryosong tanong ni Jester, kaya natigil ako sa pagsusulat ng reviewer.

Nasa sala kaming dalawa, nakaupo sa sahig nang magkaharap, may marmol na lamesa sa pagitan namin. We were reviewing for tomorrow's exam.

I glanced at him. Seryoso siyang nakatitig sa akin, at kahit anong pagtatago niya, kita ko pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Alam niya na ayokong kaawaan.

"Oo, tama na siguro 'yong tatlong linggo," ngumuso ako at binalingan si Brad, ang pusa ni Jester na mahimbing na natutulog sa lamesa. I gently patted her head.

Jester was still looking at me, his gaze unwavering.

My brows furrowed. "Why?"

He shrugged. "Nothing, I'm just... I'm worried."

"Nag-aalala ka, because?" tanong ko, ginagaya ang boses ni Kris Aquino.

He rolled his eyes with a small smile. "You might cry. Ayoko nang makita kang umiiyak."

"Sus, hindi ako iiyak, baliw. I'll just talk to him and confirm what's been bothering me all this time. Malay mo, magkaayos pa kami," sagot ko nang diretsahan.

He didn't reply. Tumango lang siya at bumalik sa pagta-type sa laptop niya. I licked my lips and shifted my focus back to my reviewer.

Tomorrow will be the day I talk to Cid. Desidido na akong makita siya ulit, nagbabakasakaling magkaayos kami at mapag-usapan namin ang lahat.

He gave me the time I needed, and he respected the space I asked for.

Ako rin naman ang humingi ng time sa kanya, at binigay niya nga. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung hindi siya gumawa ng paraan para kausapin ako after I ignored his calls, texts, and chats for four consecutive days.

Still... a part of me longed for it.

Pero bahala na nga. Ang importante, bukas pagkatapos ng exam, pupuntahan ko siya sa condo niya.

"Yuno..."

Napatingin ulit ako kay Jester. "Hmm?"

Nagkatitigan kami. Mabigat ang tingin niya, punong-puno ng emosyon. Ilang sandali bago siya muling nagsalita.

He smiled. "Good luck. Tawagan mo 'ko if may nangyaring masama. I'm always free."

Natapos ko rin ang pagrereview bandang alas dos ng madaling araw. Nakatulog na si Jester sa lamesa, habang nakabukas pa rin ang laptop niya. Gusto ko pa sana siyang gisingin para makalipat siya sa kwarto niya, pero mahimbing na ang tulog niya. Panigurado, stiff neck ang aabutin nito.

Kinuha ko na lang ang comforter mula sa kwarto niya at kinumutan siya. I also folded his laptop and fixed the things scattered around him.

Pagbalik ko sa kwarto ko, agad kong napansin ang bagong buo kong crochet flowers. Noong nakaraang linggo ko lang ito naisipang ulitin at mas maayos na ngayon ang hulma kumpara sa unang gawa ko.

Nakakagulat nga at ang linis ng pagkakagawa ko nito, e. Ganito siguro 'pag pakiramdam mong wasak ka. You tend to make other things easier just to have an outlet for your emotions.

I didn't even get the chance to give Cid the first roses I made. Plano ko sanang ibigay 'yon pagkatapos ng birthday ni Venice, pero... alam na natin kung paano natapos ang gabing 'yon.

But yeah, I think this new one is better. It was a bouquet of purple tulips, carefully wrapped in light purple paper.

There were a total of ten tulips. At kung gusto niyong malaman kung bakit sampu? Well...

Without ToppingsWhere stories live. Discover now