Strain
Nakarating kami sa resort kung saan gaganapin ang birthday ni Venice bandang alas-siyete ng gabi. Pagpasok pa lang namin sa main entrance, agad bumungad ang malawak at marangyang resort na pagmamay-ari ng pamilya nila.
Dumiretso kami rito pagkatapos ng exhibit. Josen and Kelvin stuck with me the whole event, habang si Cid naman ay saglit lang dumaan bago umalis dahil may klase at training siya.
The whole morning felt like my head was floating. Halos hindi ko ma-entertain nang maayos ang mga bumibisita sa exhibit ko. Buti na lang kasama ko si Kelvin at tinulungan niya akong makipag-usap sa mga tao.
My head was full of thoughts. Ang dami kong tanong tungkol kay Cid at sa lalaking kapangalan ko. I wanted answers, but I was too scared to ask Cid.
Hindi ko rin maitanggi na naapektuhan ako sa pagkikita nila kanina.
The way they stared at each other... parang may ibang kahulugan. I saw longing in their eyes. The way their gazes locked — ah, puta! Ewan ko ba! Ang gulo! Nakakatangina 'yong mga nasa isip ko!
Hindi ko dapat pinapangunahan 'yong mga nangyayari at nararamdaman ko, e. Kasi lahat naman ng nasa isip ko ay wala namang patunay na totoo.
You're just fuckin' overthinking, Yuno. And you need to trust Cid. Your Japanese kid is still figuring out his feelings for you. Alam mo naman 'yon, e. Kaya nga 'di ba willing kang mag-antay sa kanya?
Hindi niya man direktang sinasabi sa 'kin pero ramdam ko 'yon sa mga galaw at pinapakita niya. His actions matter to me... and his actions show that we're mutual.
Aantayin mo siya, Yuno. Aantayin mo.
"Birthday pinunta natin dito, pre, hindi burol," rinig kong sabi ni Kelvin sa gilid ko sabay akbay sa akin. "Kanina ka pa ganyan, 'yong mukha mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Ano bang meron sa mukha ko?"
Ngumisi siya. "Puta."
Kumunot ang noo ko. "Anong puta? Puta 'yong mukha ko?"
Tumango siya. "Oo, nakakaputangina. Kaya ayusin mo na 'yan, baka ma-bad shot tayo rito. Remember? We're here to get along with the other students para hindi ka na laging bunot sa social media."
"Kelvin's right. Enjoy for now, Yuno. Kung ano man 'yang iniisip mo, kalimutan mo muna. Magpakasaya tayo ngayong gabi. Pag-usapan na lang natin 'yan bukas. There's nothing wrong with letting yourself have fun sometimes," Josen chimed in.
Napangiwi ako. Tama nga naman sila. I need to enjoy the party. Ano pang silbi ng pagiging nandito kung lulunurin ko lang ang sarili ko sa mga iniisip ko?
"Oo na, oo na," sagot ko sabay pilit kumawala sa pagkaakbay nilang dalawa. "Tangina, Kelvin!"
Sinipa ko siya nang bahagya dahil ramdam kong hinihigpitan niya lalo ang akbay niya sa akin, parang sinasakal na ako. Pero mabilis din siyang lumayo nang makita niyang magte-taekwondo stance na ako.
"Tangina 'yong buhangin, gago!" he said, laughing, after I kicked the sand at him.
"Subukan mong lumapit dito, tangina."
"Pupunta ba si Fifth tonight?" tanong ni Josen.
Umiling si Kelvin. "Hindi raw, pre. Nasa condo lang siya ngayon, may sakit daw siya, e."
Napailing ako at inilibot ang tingin sa paligid ng resort. Sa ilalim ng mahinang liwanag ng buwan, kumikinang ang infinity pool na napapalibutan ng eleganteng cabanas at sun loungers.
Small fairy lights were strung around, giving the place a warm and dreamy feel. The umbrellas and daybeds by the beach had little lanterns hanging from them. Ang cozy at tropical ng vibe, lalo na't halos earth tones ang suot ng lahat.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
