Pool (R-18)
"Tulala ka d'yan," kalabit sa 'kin ni Honey kaya agad akong napatingin sa kaniya. "Magsisimula na 'yong program, 10 minutes from now. Wala ka naman sigurong sakit, ano?"
Tumango ako. "May iniisip lang..."
"Nagkakalabuan na ba kayo ni Mr. Takahashi?"
Kumunot noo ako. "Ano?"
Anong nagkakalabuan, e kakasubo ko lang sa kaniya kagabi. Pinagsasabi nito?
"Hirap talaga 'pag lover boy era na 'no? Nagiging overthinker," natatawang sabi ni Honey.
Sumipol ako. "Hirap talaga 'pag single, relasyon ng iba ang pinapakialaman."
She rolled her eyes and smacked my arm. "Ang harsh mo, Yuno!"
Ako pa? E, siya nga 'tong nauna. Natawa na lang ako sa mukha niya at kinuha ang dalawang kahon na bitbit niya para tulungan siya.
"Wala nang naiwan sa kotse?"
"Yep, nandito na lahat ng gagamitin natin para sa workshop na 'to."
Tumango ako at nagsimula kaming maglakad patungo sa spot. "Ilang bata nga ulit ang sasali ngayong araw?"
Galleria Mercer is sponsoring a summer art workshop for kids. Tatlong araw ito na workshop para sa mga batang mahilig magpinta o gustong matuto. There are no fees to join the art workshop — we just ask the kids to enjoy the process.
"Thirty kids registered," sagot ni Honey. "May mga kasamang guardians din sila."
Pumasok na kami sa park. Outdoor ang setup ng workshop — mabuti na lang at hindi gaano kainit ngayon. Napapalibutan din ng mga puno ang lugar kaya presko at mahangin.
Ngumiti ako nang makita ko ang ilang batang nagsi-sketch na at masayang naglalaro gamit ang kanilang mga papel at lapis. Matamis ang mga ngiti, at halatang tuwang-tuwa sila sa ginagawa.
This is what art should be, enjoying the process and freely expressing what's on your mind. And now, these kids get to do exactly that — on their own terms.
Pagdating ko sa table sa gitna, nilatag ko agad ang dalawang kahon. Mga bagong art materials ang laman nito para sa workshop. Mamaya darating na rin ang mga lunch packs at snacks para sa lahat.
"Kuya..."
Napatingin ako sa harap ko nang may kumalabit sa pantalon ko. I immediately smiled when I saw a small boy with straight bangs covering his forehead. Mataba ang pisngi, parang si Hiro noong bata pa siya.
Lumuhod ako para pumantay sa taas niya. "Ano maitutulong ko, tropa?"
"May sharpener po ba kayo?" Pinakita niya ang lapis na hindi pa nagagamit.
Tumango ako. "Syempre meron. Magic word muna?"
"Tasahan mo nga ho lapis ko, Kuya Pogi. Please po?" Inabot niya sa 'kin ang lapis.
Napangiti ako sa tinawag nito sa 'kin. Kung sino man nagpalaki sa batang 'to, tiyak may mabubuting puso. Napalaki nilang honest!
"Yun-oh! Akin na."
Kinuha ko ang lapis at mabilis na tinasa gamit ang pantasa ko. Tahimik siyang naghintay, nakatitig sa ginagawa ko.
"Ito na, tropa," sabi ko, sabay abot ng lapis. "Ano ba pangalan mo?"
Sasagot na sana siya nang may tumawag mula sa malapit.
"Carl!"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses — si Kyne Antot, isa sa mga estudyante ko sa art class.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
