Unlikely
"Pre, napa'no ka?" rinig kong tanong ni Kelvin nang mapansin niyang minamasahe ko ang magkabilang panga ko.
"Masakit kasi, pre," sagot ko, patuloy sa pagmasahe.
Naninigas at nangangalay 'tong panga ko; kahit ibuka ko nang konti, pakiramdam ko parang may pumipitik at humihila sa loob.
Ilang araw na akong hindi komportable, pero kahit papaano humuhupa ang sakit sa araw-araw na kakamasahe ko. Siguro ito na 'yong aftershock ng mga pinagagawa ko noong huling tatlong araw.
"Anyare ba d'yan?" tanong ni Kelvin.
Tumingin ako sa kanya, busy siya sa pag-gawa ng reviewers niya. Nasa kwarto kami ng condo niya ngayon, dito ako tumambay para magpalipas ng oras.
Dapat kasi may art tutoring session kami ni Mika ngayon, pero last minute nagka-change of plans siya kaya hindi natuloy.
May shift pa ako mamaya, kaya aalis na rin naman ako. Nabubugnot na rin ako kakamasahe ng panga ko dito.
Hindi ako sumagot kaya tumigil si Kelvin sa ginagawa niya, saka siya tumayo mula sa study table niya at lumapit sa akin. Wala akong kaalam-alam nang bigla niyang ikulong ang pisngi ko sa kamay niya, at mabilis na nilamas-lamas ang magkabilang panga ko.
"Tangina mo, pre!" sigaw ko sabay waksi ng kamay niya. "Masakit nga, puta ka!"
Tumawa siya nang malakas. "Naaalibadbaran kasi ako sa 'yo, kanina mo pa minamasahe 'yan tapos 'di ka naman sumasagot 'pag tinatanong."
Eh pa'no ko sasabihin kung kahalayan ang dahilan ng sakit nito? Na-lockjaw pa ako dahil sa kalokohan ko no'ng isang gabi, tangina.
"Kakakain ko siguro ng matamis, pre," palusot ko.
Medyo totoo rin naman— kumain nga ako ng sobrang cake. Pero 'yong gabing 'yon, hindi lang cake ang tinikman ko. It was a cake in a fuckin' dick!
Tangina lang talaga, wala sa bingo card ko makasubo ng burat ngayong taon, pero nangyari na!
"Bawasan mo 'yan, baka abutin ka ng diabetes," sagot niya habang bumalik sa study table. "Iyong lolo ko nga namatay dahil d'yan, pre."
"Talaga?"
"Oo, naputulan pa nga ng paa."
Napakunot ang noo ko. Nakakatakot pala 'yon, pero teka— hindi naman paa ang problema ko. Iba naman 'yong paa sa panga. Safe pa rin siguro ako kahit ulitin ko, ano? Pero tangina, ang sakit pa rin.
"Doon din naman punta natin lahat, mamamatay rin," sagot ko.
"Sa bagay. Pero bawasan mo, ayoko pang magkape sa burol mo, pre," ani niya sabay binalik ang atensyon niya sa reviewers nito.
"Dumadami na collection mo, ah," sabi ko nang mapansin ang mga graphic posters na nakasabit sa dingding ng kwarto niya.
"Yep, ang aangas, 'no?" ani niya, ngumingiti.
"Paano ka ba nahilig sa gan'yan? At pinalitan mo pa 'yong mga posters dito. Dati puro hubad na babae lang mga nakasabit, e," biro ko, natatawa.
Lumapit ako sa isang mesa niya na may mga dividers. May mga graphic magazine din na nakaayos doon. Iisa-isahin ko sana, pero natigilan ako sa pinakahuling magazine.
Nakita ko ang graphic illustration: dalawang lalaki, topless at halos magkalapit na masyado. Tingin ko manga 'to, hindi magazine, gawa ng Japanese characters sa gilid.
Pagkakataon ko na sanang buklatin 'yon nang mabilis na inagaw iyon ni Kelvin.
"Galawin mo na 'yong iba, 'wag lang 'to," sabi niya.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox; he pushes away help yet silently...