Chapter 10

4.5K 183 200
                                    

Underfist

"Kung mali makasama ka, ako na makasalanan. Walang iibig, nangako ka sa 'king 'di 'to pangkasalan..."

"Putangina—" nalaglag 'yong phone ko nang bigla akong tapunan ni Fifth ng damit habang nagrerecord ako. Eksaktong tumama pa sa mukha ko.

"Magbihis ka nga, kanina ka pa nagvivideo d'yan," may inis sa boses niya.

Pinulot ko 'yong damit at binato pabalik sa kanya, pero mabilis siyang nakailag. "Huwag ka ngang paepal, gago!"

"Tangina ka rin, kinulang ka na naman sa atensyon," ani Fifth na ikinatawa ko. Gago talaga. Hindi ba pwedeng magkaroon lang ng coping mechanism?

Kinuha niya 'yong isang paint brush at sinawsaw sa bote ng acrylic na natunaw na sa tubig. Pagkatapos, nagsimula siyang magpinta sa canvas ko. Kapal ah, nagkakalat na naman si gago at nagsasayang ng tinta.

"Namumuhunan ako dito, kaya hayaan mo," sagot ko na lang na ikinatawa niya.

"Puhunan? Iyang pagiging hubadero mo?" Ngumisi siya, tapos sinukat ako ng tingin.

"Omsim, may pinapatakam lang," I smirked.

Tumawa siya, pero kita ko 'yong konting asar sa mata niya. Lumapit ako sa bintana, sinamantala ang natural na ilaw para sa susunod kong clip. Saktong pagbalik ko ng tingin kay Fifth, nakita ko 'yong mga acrylics ko, halos mangalahati na.

"Teka, anong ginagawa mo dito? May problema ka ba?" tanong ko.

Alas-diyes pa lang ng umaga at sinugod na ako sa apartment. Kapag ganito kaaga, alam kong may kailangan o kaya naman ay may gustong pag-usapan si gago.

"Wala naman. Bored lang ako," simpleng sagot niya habang tuloy pa rin sa pagpipinta.

"Galing mo ma-bored, pati acrylics ko pinatos mo," asar kong sabi.

Inangat niya 'yong kamay, sabay turo sa akin gamit ang brush. "Huwag ka na magreklamo, bilhan kita ng bagong set pagkatapos nito."

Nagkibit-balikat ako. "Okay, all colors ha."

Binalik ko na lang ang focus sa recording ko at nakadalawang take pa bago tumigil. Sobrang pogi ko ngayong araw, actually, palagi naman. Pero iba ang aura ko ngayon, alam mo 'yon? Blooming si tropa niyo. 

Pero bago pa ako tuluyang madala sa sarili, napansin ko 'yong pagtitig ni Fifth sa bagong painting sa gilid.

"Katawan mo ba 'to, pre?" tanong ni Fifth bigla.

Agad akong napalingon sa kanya. Nakatingin siya sa bagong painting ko— isang nude artwork na malapit nang matapos.

Napalunok ako, tinakpan 'yong kaunting kaba. "Oo, pre," pagkunwari ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay, naglilipat ng tingin mula sa canvas at sa katawan ko ngayon. Tangina, hindi ba kapani-paniwala?

Umismid ito. "Ginagago mo ba ako? Hindi naman ganito kalaki katawan mo? Nag-steroids ka ba?"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinsulto. Tumingin ako sa sarili ko at nag-flex. "Ano sinasabi mo?" tanong ko habang nagpopose na parang body builder.

"Gago, kahit ipilit mo pa, mas patpatin ka kumpara dito." Umiling siya habang inobserbahan ulit 'yong canvas.

"Body shamer ka pre," sabi ko, bahagyang naiinis. Nilapitan ko siya para tingnan ulit ang canvas.

It was a nude painting of Cid's body. Nitong mga nakaraang araw, hindi mawala sa isip ko 'yong katawan niya. It's haunting me. Parang kailangan ko siyang ipinta.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now