Chapter 45

22.4K 851 1.2K
                                        

Truth

"The patient dislocated his right shoulder in the crash. An anterior shoulder dislocation — which happens when the top of the humerus is pushed out of the shoulder socket, usually due to forceful impact."

My eyes darted to the wall clock. It was past 4 AM.

Pagdilat ng mata ko kanina, puting kisame ang una kong nakita. The room was dimly lit, and I quickly noticed it was large — too large for a regular patient room. It wasn't just any room. It was an executive suite.

Ang sumunod kong napansin ay ang kanang braso ko — naka-sling, nakataas, at may matinding kirot na parang may matalim na puwersang kumakagat sa loob.

"We were able to reduce the dislocation — meaning, naibalik namin agad sa puwesto without the need for surgery," dagdag ng doktor. "He needs to wear the sling for three to four weeks to allow the ligaments and joint capsule to heal."

Hindi ko maaninag kung sino ang kausap ng doktor. Maging ang nagdala sa akin sa ospital ay wala akong ideya kung sino. Lahat malabo.

Basta ang naaalala ko lang ay kung paano ko pinaharurot ang motorsiklo ko sa kalsada — mabilis, mabigat ang dibdib, at kinain ako ng halo-halong emosyon. Tapos may kotse na sumulpot mula sa gilid. Sa pagkakatanda ko, hindi naman kami nagbanggaan, pero sa lakas ng iwas ko, natumba ako at gumulong sa aspalto.

Akala ko makikita ko na si Jisas, e. Mabuti na lang wala pa akong passport kaya hindi ako tinanggap. At sa sobrang kadramahan ko, muntik pa akong maging kwento sa sarili kong kwento.

"The shoulder will be unstable for a while," dagdag pa ng doktor. "We'll monitor him overnight and start a physical therapy referral in a few weeks. The goal is to restore strength and full range of motion."

Umalis na ang doktor matapos ang ilang usapan na hindi ko na masyadong maintindihan. Nakapikit lang ako habang pinapakinggan ang mumunting tunog ng makina sa tabi ko. Damn, my vision and senses were still blurry.

"You're awake..."

Marahan akong dumilat nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. I turned my head slightly and glanced to the side. Napakunot-noo ako sa nakita.

Constantine?

Nasa gilid siya ng kama, nakaupo sa isang upuan, nakayuko, pero agad din akong tinapunan ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Una kong napansin ang mga galos sa mukha niya. Mukha siyang nasuntok — may sugat pa sa gilid ng labi. Tangina, ang pangit niyang tignan.

"A-anong... ginagawa mo... dito?" Pilit kong inangat ang katawan ko para umupo, pero isang matalim na kirot ang agad na sumabog mula sa kanang balikat ko.

"Tangina—" Napa-igik ako sa sakit.

Biglang tumayo si Constantine. "What the fuck are you doing?" he asked in a scolding yet worried tone. "Lay back. Seriously. You can't force your body to move."

"I'm fine," mahina kong sagot, kahit halata sa mukha ko ang kirot.

"No, you're not. Stop acting like you're invincible," he snapped, crossing his arms but not moving.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now