Chapter 33

26K 644 794
                                        

a/n:

hi, everyone.

writing on wattpad has always been my escape, a space where i can freely share my stories with you. however, some recent comments have crossed a line, making me question whether this space is still safe for me. i understand that certain parts of the story might be frustrating or disappointing, and i respect that. but please, let's share our thoughts respectfully, without disregarding the effort i've put into writing this.

i've poured so much time and effort into every chapter, hoping to share laughter, emotions, and a meaningful journey with you. we're now at a crucial part of the story, and i didn't expect this much backlash before the story is even complete.

the characters in my story are flawed, as real people are. if that's something you struggle to connect with, i completely understand if you choose to stop reading. but if you continue this journey with me, i ask for patience and an open mind.

i want to keep writing and sharing this story, but if the negativity continues, i may have to reconsider. i hope we can keep this space respectful and open for storytelling. thank you to those who continue to support — it truly means a lot.

● ● ●

Patched

t/w: sexual violence

Patuloy ang pagtapik ni Nanay sa balakang ko para ako ay makatulog. Hindi ako makatulog nang hindi niya ako tinatapik, kaya gabi-gabi, ganito ang ginagawa niya. Kasabay nito, kinakantahan niya ako ng panghele na kay gandang pakinggan sa aking mga tenga.

"Tulog na, Constantine, anak. Maaga pa tayo bukas," bulong niya saka pinatakan ng halik ang noo ko.

Ngumuso ako. "Sasama po ba sa atin si Tatay, Nay?"

Ngumiti si Nanay, ngunit alam kong pilit ang ngiting ipinakita niya sa 'kin.

"Sasama 'yon, anak. Hintayin na lang natin siya rito. Susunod siya bukas, may inaasikaso lang ang Tatay mo. Mas ligtas tayo rito kumpara kung nasa malaking bahay pa tayo," aniya, saka muli akong hinalikan sa noo. "Hindi tayo pababayaan ng Tatay mo."

Napangiti ako sa sinabi ni Nanay. Naramdaman ko pa ang marahang pagpisil niya sa maliit kong kamay.

"Good night, Constantine. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo."

Ipinikit ko na ang aking mga mata para makatulog. Pero hindi nagtagal ang mahimbing kong tulog nang marinig ko ang isang malakas na lagabog mula sa labas ng kwarto.

Wala na si Nanay sa tabi ko. Saan kaya siya? Ang sabi niya, tatabihan niya ako ngayong gabi sa pagtulog.

O baka dumating na si Tatay?

Natutuwa akong bumaba mula sa maliit kong kama at lumapit sa pintuan. Bubuksan ko na sana ito, ngunit natigilan ako nang muli kong marinig ang sunod-sunod na malalakas na ingay mula sa labas.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong sa may sala nagmumula ang ingay. Nag-aaway kaya sila ni Tatay? Pero hindi naman siya nagdadabog sa amin ni Nanay, kaya parang imposible.

Nilunok ko ang namumuong kaba sa aking lalamunan at dahan-dahang inilapit ang tenga ko sa pinto. Narinig ko ang impit na iyak ni Nanay — kasabay nito ang tunog ng malakas na sampal.

Doon ko nakumpirma na hindi si Tatay ang nasa labas. Hindi niya kami kailanman pinagbuhatan ng kamay.

Nanlalamig ang katawan ko sa takot, at namamawis ang aking palad. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at bahagyang sinilip ang nangyayari sa labas. Mula sa aking pagtatago, nakita ko si Nanay at isang malaking lalaki na nasa sala ng maliit naming pansamantalang tinutuluyan.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now