Chapter 5

4.3K 142 75
                                    

Cake

"Pre, may tanong ako," baling ko kay Josen, na abala sa paglalaro ng video games sa cellphone niya.

"Anong tanong?" ani niya, 'di man lang inaalis ang tingin sa screen.

"Pa'no kung in-offeran ka ng malaking pera, tapos kapalit no'n ay sex? G ka ba doon?" seryosong tanong ko, sinubukang itago ang kaba sa boses ko.

Bigla siyang napahinto, at kita ko kung paano kumunot ang noo niya. Nagpapalipat-lipat ang tingin niya mula sa cellphone niya papunta sa akin. Mukhang hindi niya alam kung paano sasagutin.

"Pre..." ang tanging sagot nito, halatang hindi alam kung seryoso ba ako o nagbibiro lang.

"Bakit? Sagutin mo. Seryosong tanong 'to," giit ko.

Nagulat siya, at sa halip na sagutin nang maayos, nagtanong siya pabalik. "Paraan mo ba 'yan para alukin mo kong makipag-sex sa 'yo?"

Tangina? Agad kong naihagis sa mukha niya ang cushion na hawak ko. "Gago, ang lala ng bunganga mo!"

"Tanga ka ba? Mag-trigger warning ka naman sa mga tanong mo!" bulyaw niya pabalik.

Oo nga naman, kahit sino siguro magugulat sa tanong ko. Sumipsip ako ng kape habang nakatingin sa glass window ng coffee shop.

"Bakit pre? May nag-alok ba sa 'yo?"

Gusto ko sanang sabihin na oo para makuha ang opinyon niya, pero nakakahiya. Mas mabuti nang iwan ko na lang ito sa isip ko.

"Wala naman, random thought lang."

Tinignan niya ako ng ilang segundo, tila nag-iisip. "Plano mo bang mag-change career? Mabilis din pera sa ganyan, e."

"Hindi baliw, sapat naman 'yong kinikita ko. Na-shoshort lang talaga minsan 'pag may dagdag na expenses," mahinahong sagot ko.

"Mag-thirst trap ka na lang, pre. Ang dami mo na namang iniisip," sagot nito kaya napatingin ako sa kanya.

Nakakalimutan ko na ring mag-post sa social media nitong mga nakaraang linggo. Na-miss ko tuloy 'yong atensyon na nakukuha ko, lalo na 'yong mga chinitang babae na nagko-comment sa mga posts ko.

"Samahan mo nga ako, pre, tiktok tayo mamaya," pang-aaya ko kay Josen. Umiling ito kaagad.

"Hirap ng steps mo, tanga," sagot niya, sabay baling ulit sa cellphone.

"Gago, taas kamay lang 'yon tas giling bewang, tigas kasi ng katawan mo," sabi ko, kinuha ang cellphone ko at nag-scroll sa tiktok.

Ngayon na lang ako nakapag-open, kaya panay labas ng notifications ko. Pinakita ko kay Josen 'yong sayaw na nahanap ko. "Ayan oh."

"Gago, ginagate-keep ko pa 'yan na kanta, tapos sinasayaw niyo na pala sa Tiktok," reklamo niya. Feeling superior si gago.

"Matagal ng sikat 'yan, tanga! G na para naman dumagdag followers mo," pagyayabang ko.

"Hayok mo sa atensyon," irap niya.

"Walang magulang e, sino relate d'yan?" biro ko. Bigla namang tinaas ni Josen ang kanang kamay niya kaya sabay kami napatawa nang malakas.

Inside joke na namin 'to. Pareho kaming walang atensyon na nakukuha sa magulang, pero iba lang 'yong sa kanya kasi buhay pa. Sa akin, parehong patay na ata.

"Saan na ba sila Fifth at Kelvin?" iritang tanong niya.

Kanina pa namin inaantay 'yong dalawa kasi plano naming mag-samgyup. Manlilibre raw si Fifth, mukhang pumaldo na naman ata sa online casino.

Tinignan ko ang phone ko at naghanap ng chat mula sa kanila, pero 'di online 'yong dalawa. "Baka may errands pa, alam mo naman, kaliwa't kanan mga babae."

Without ToppingsWhere stories live. Discover now