Darling
"Nalinis na po 'yong loob ng office niyo, sir. Naayos na rin 'yong ibang bulaklak sa loob at natanggal na 'yong mga nalanta," nahihiyang sabi ni Darvin nang makita akong pabalik na ng office ko.
Sinilip ko ang loob ng office — mas maayos na nga itong tingnan. Nabawasan na rin ng ibang bulaklak, at masasabi kong mas kumportable na iyon kumpara noong last week.
"Pasensya na po kung nagkalat dati. Masyado lang kaming naaligaga kasi bad trip si Mr. Takahashi noong araw na 'yon," dagdag niya, halatang may pag-aalala sa tono.
Napakunot ang noo ko. "Bakit naman?"
Nagkibit-balikat siya, may kasamang maliit na ngiti. "Planado na sana kasi 'yong araw ni boss para sa therapy dito, kaso may nangyari yata sa EVB."
"EVB?"
"Kompanya nila, sir," tipid niyang sagot.
Marahan akong tumango.
I got curious about Cid's company after hearing he was handling one. Nag-research pa nga ako kahit tamad ako sa ganoong bagay noong isang gabi patungkol sa kompanya niya.
Nagulat na lang din ako sa natuklasan dahil matagal na pala ang EVB namamalakad at isa ito sa pinakamalalaking civil engineering at infrastructure development firms sa Pilipinas at ibang bansa.
Wala akong kaalam-alam na galing pala siya sa isang bigating pamilya. I mean... alam ko namang mayaman siya noon pa, pero hindi ko inakala na gano'n kalaki ang pinanggalingan niya. At sigurado ako sa side iyon ng nanay niya — halata naman sa apelyido pa lang.
Never niya rin 'yon naikwento sa akin. Sa lahat ng oras na magkasama kami, palagi naman kasing ako ang sentro ng usapan namin.
It was just me, all that time.
Matagal ko na rin napapansin iyon, bukod sa mga bagay na gusto niya ay wala siyang naikuwento tungkol sa pamilya niya — kahit man lang karanasan noong bata pa siya.
And that... really made me think. Maybe he was never really the type to open up to me. At doon pa lang, sign na iyon na hindi talaga siya sigurado sa akin.
Hindi ko rin siya pinilit noon, kasi tulad niya, hindi rin naman niya ako pinilit.
But unlike him, I was always the one laying myself bare — speaking my truth without hesitation, offering my heart without conditions. And because of that, he read me effortlessly, like a fuckin' open book.
There were wounds that began to heal in those moments. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa paraan ng pagtanggap niya. The way he made space for me — unguarded, unjudged — doon ko naramdaman na, kahit papaano, may saysay ang lahat.
Pero ngayon naiisip ko... if I was so transparent with him... why was he the one person I could never truly see?
"Sige po, sir, mauna na ako. May inuutos pa si boss. May pinapaiwan din siyang cake sa loob, sana po maubos niyo para hindi kami mapagalitan."
Nabalik ako mula sa malalim kong iniisip at napatingin muli kay Darvin. "Bakit naman kayo mapapagalitan?"
"Hindi ko po sure. Ramdam ko lang matapos kaming masermonan kaninang umaga," sabi niya, at halatang may kaba sa boses.
Umalis na si Darvin kasama ang iba pa niyang kasama matapos ayusin ang office.
Nagulat na lang talaga ako kaninang umaga nang pagpasok ko, may mga tao na sa loob at abalang inaayos ang nagkalat na bulaklak na pinadala ni Cid.
Well, the flowers weren't really the issue. Ang totoo, sumikip lang talaga 'yong loob dahil nagkalat. At mukhang totoo nga 'yong sinabi ni Cid — maliit nga ang office ko rito sa Gallery.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
