Chapter 42

24.2K 738 936
                                        

Persistent

"Lycidas Taku Takahashi, CEO of Esquivel Vision Build."

Pamilyar na ngiti ang sumilay sa labi niya pagkatapos niyang banggitin ang sariling pangalan. The genuine happy smile on his face was pure and vulnerable right in front of me. Even his small eyes... it was as if they were smiling just for me.

Agad akong umiwas ng tingin nang bumilis ang tibok ng puso ko sa nakikita. I wanted to refuse, but shit, I was feeling butterflies in my stomach right now.

Nakakainis pero parang gusto kong mamilipit at magpagulong-gulong ngayon sa hindi ko maintindihang dahilan.

I felt my body tense for a second when I realized how I was acting in front of him. Tangina, Yuno, dapat cool ka lang sa harapan niya, e. Ipakita mong hindi ka apektado sa pangiti-ngiti niya sa 'yo!

Tumikhim ako at mabilis na kinuha ang tumbler kong dala at uminom ng tubig. He remained smiling, his hand still reaching out for me.

Tinignan ko ang kamay niya at akmang aabutin ko sana iyon pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Tangina, Japanese kid, hinding-hindi mo na ako makukuha sa mga patibong mo.

"So, even a simple handshake is prohibited?" tanong niya, habang hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi niya.

It seems like he was teasing me, and that pisses me off! Tangina, obvious naman na ayaw kong mahawakan siya, e. Last na 'yong nasa bar kami, promise.

"Kahit mamatay man si Constantine, hindi kita hahawakan," I blurted out of nowhere.

Cid tilted his head to the side, clearly trying to hide his laugh. Doon ko lang din napagtantong may nabanggit akong pangalan. Gago...

"Anong nakakatawa? Off-limits ka sa 'kin, hoy! Touch me not, okay?" iritable kong babala, pero tila hindi ito naging dahilan para maapektuhan siya.

"I wish he could be dead at this point too," aniya habang bumaba ang tingin nito sa kwelyo ng polo ko.

I rolled my eyes.

Tangina, ano 'yan? Iba na ba ang ihip ng hangin sa kanila? Polluted na siguro ang relasyon nilang dalawa kaya narito na naman siya sa harap ko.

Ayaw pa kasi sa 'kin dati, e. Halata namang purified with fully air-conditioned ang pagmamahal ko sa kanya noon. Pero tangina niya, expired na 'yon ngayon!

"Sus, niloko ka na naman siguro, 'no? Tanga mo kasi pumili, e," naiinis kong asar sa kanya, habang siya'y nanatili pa rin ang tingin sa kwelyo ko.

I don't even know the reason behind their breakup before. But it seems like he chose to wait for that guy — and chose to play with me while waiting.

At sa buong apat na taon na nawalan kami ng koneksyon, napagtanto ko rin na marami kaming pagkakatulad ng Angler fish na 'yon.

Angler fish over goldfish? Tangina. Tanga-tanga talaga.

"Nasa huli talaga ang pagsisisi, Cid. Relate kita d'yan," naiiling kong sabi bago binalingan ang mga papel sa harap ko.

Pero napakunot ang noo ko. One of the folders had his name on it. I flipped it open out of curiosity — and there it was. A signed intake form.

Art Therapy Program: Client — Takahashi, Lycidas Taku E.

I stared at the page, reading every line just to make sure I wasn't hallucinating. And there, on the form, was some vague explanation about why he wanted to enroll. Emotional regulation, reduced distress, and... even a dramatic-ass paragraph explaining his goals.

Dramang drama, Japanese kid, ah? Dinaig mo pa ako sa kalokohan mo.

"Therapeutic relationship?" bulong ko, halos matawa sa idea niya. Corny...

Without ToppingsWhere stories live. Discover now