Tampered
"Happy birthday, Yuno! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!"
Mahina ang pagkanta ko habang nakaharap sa cake ko. Sinasabayan ko pa ito ng konting palakpak at bahagyang indak ng ulo. Sixteenth birthday ko ngayon, at mag-isa kong pinagdidiriwang sa kwartong pinapatuloy nila Ma'am Betty sa akin.
Natigil ako sa pagkanta at kumunot ang noo nang mapansin kong may kulang sa cake ko. Minsan na nga lang mag-birthday, tapos hindi pa kompleto? Syempre, hindi ako papayag.
Kinuha ko agad ang isa kong crayola at sinimulan kong lagyan ng kolorete ang iginuhit kong cake.
Naglagay ako ng toppings sa ibabaw. Iba't ibang klaseng toppings para maganda siyang tignan. I drew a six-layer cake para sa sixteenth birthday ko.
Napahagikhik ako nang makita ang kinalabasan ng drawing ko. Ang ganda!
"Happy 16th birthday, Yuno!" bulong ko sa sarili habang nakangiti. A tear slipped down my cheek, but I quickly wiped it away.
"Pucha, walang iiyak! Next time, totoong cake na 'to," iyak-tawa kong sabi.
Ito kasi ang tradisyon ko tuwing birthday. Gumuhit at mag-imagine ng kung ano-ano para aliwin ang sarili ko. Kahit walang handa, kahit walang tunay na cake, hindi ko pinapalampas ang pag-celebrate. Kahit drawing lang, kahit ako lang, at kahit sa ganitong paraan lamang.
Tumingin ako sa ibang bond paper at napangiti sa mga guhit kong paboritong pagkain. I mean, naging favorite ko lang tignan, hindi ko naman kasi afford 'yong mga pagkain na 'to.
"Pucha, may ice cream pa si Yuno oh," natatawa kong sabi.
Kinuha ko ang lapis at nagsimulang mag-drawing ng dalawang baso sa tabi ng ice cream.
"Para kay Hiro 'to," bulong ko nang matapos kong iguhit ang pangalawang baso.
Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib, kaya napabuntong-hininga ako. Na-mimiss ko na talaga kapatid ko. Kung nandito siya sa tabi ko, malamang sabay kaming kumakanta sa harap ng ginuhit ko. Tangina, tawagan ko nga mamaya.
"Teka, hindi pa ako nakakapag-wish," sabi ko nang mapatingin ulit ako sa cake.
I glanced around my room, malaking kwarto ang ipinahiram sa akin ng mga magulang ni Jester. Pero nakadapa ako sa sahig ngayon, hindi pa rin sanay sa laki ng kwarto. Nakapatay rin ang ilaw para hindi makadagdag gastos sa kanila. Ang tanging liwanag na meron ako ay galing sa bintanang may tanawing tahimik.
Hinanap ko 'yong kandila na nakita ko kanina sa kusina nila Jester, pero wala ito sa gilid ko.
"Nadala ko ba?" tanong ko sa sarili, pero hindi ko talaga mahanap.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa malaking hagdan ng bahay at mabilis na tumungo sa kusina.
"Manang, may nakita po ba kayong kandila dito?"
Tumigil sa paghuhugas si Manang at kumunot ang noo. "Kinuha ata ni Jester, nak."
Ay, edi hindi ako makakapag-wish ngayon?
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox; he pushes away help yet silently...