Urge
"Pre, dahan-dahan lang, 'di ka naman mauubusan," saway ni Josen mula sa gilid ko, pero hindi ko siya pinansin.
Nanatili ang tingin ko kina Cid at Venice na nasa harapan ko ngayon. Gustuhin ko mang umiwas, pero para bang may magnet ang mga mata ko at napapako lang sa kanilang dalawa.
"May problema ka ba?" tanong niya.
I remained silent and took a huge gulp from the Bacardi bottle. I groaned as the alcohol hit me lightly. Parang nawala ang pagiging mahina ko sa alak, at biglang bumalik ang dating ako.
Pinunasan ko ang natirang alak sa gilid ng labi ko, sabay salubong ng kilay habang pinanood ulit ang dalawa. Tanginang view 'to, nakakasira ng gabi ko.
Iinom pa sana ulit ako sa bote nang agawin ito ni Josen.
"Pre!" saway ko sabay sinamaan siya ng tingin.
"So may problema ka nga?" kunot-noo niyang tanong ulit.
Meron nga ba? Malaki, Josen. Nasa harapan natin, oh!
Lumunok ako bago sumagot. "Wala, pre. Gusto ko lang uminom."
"Sure? You've almost finished three bottles in just half an hour. Tangina, 'yong atay mo n'yan," saway niya ulit.
I scoffed. "Coming from you? Na ginawa niyong second home ang mga bar?"
He laughed. "Gago, umiinom naman ako nang tama," sagot niya. "Ano ba kasi problema? Pwede naman nating pag-usapan dito."
"Wala nga," sabi ko, sabay abot ulit sa bote.
Tinaas niya iyon, inilayo sa akin. "Type mo ba si Venice?" biglang tanong niya.
Type ko 'yan? Tangina, nag-iinit nga ulo ko dahil d'yan.
Umiling ako. "Gago, hindi gan'yan mga type ko, pre."
"Sa bagay hilig mo mga singkit, e," aniya sabay may pagtango-tango pa.
"Weh? Kanina ka pa nga nakatitig," pang-aasar ni Kelvin, na pumapapak ng donut sa gilid ko.
Hindi ko alam kung bakit nandito lang siya at hindi nagsasaya, birthday niya pa naman. Panay tingin din siya sa pwesto nina Cid.
"Ta's ang sama ng tingin mo kay Cid," dagdag pa niya.
Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ang bucket ng ice na nasa harapan ko. Nilagay ko ito sa hita ko at nagsimulang pumapak ng yelo.
Kailangan ko ng malamig. Baka sakaling humupa ang init ng ulo ko.
Pinanood ko ulit sina Cid at Venice. Ang lapit nila sa isa't isa habang masayang nag-uusap. They looked so into their conversation, parang ang tagal nilang hindi nagkita or nag-usap.
At alam niyo anong mas nakakainis? Iyong singkit na mata ni Cid, kayang paliitin ni Venice.
Na dapat ako lang ang gumagawa.
Tangina. Halos manlisik na ang mata ko tuwing napapatawa ni Venice ang Japanese kid ko.
"Pre, ayos ka pa ba?" tanong ni Kelvin.
Binalingan ko siya habang may yelo sa bunganga ko. "Oo nga, bakit ba? Kulit niyo."
Hindi ko man lang maramdaman ang ngilo sa ngipin ko. Namamanhid na yata ako, mga tropa.
"Halos maubos mo na ang yelo, oh," natatawang sabi ni Kelvin. "Josen, ibalik mo nga 'yong alak nito."
"Huwag, pre. Paawatin mo muna ng isang oras," ani ni Josen, sabay turo sa mga bote ng Bacardi na inubos ko. "Minsan lang uminom si gago, pero pangpatayan naman kapag nagkataon."
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
