Chapter 6

4.3K 171 187
                                    

Mine

"Yuno!"

Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang patuloy na pagkatok nito nang malakas sa pintuan ko.

"Teka lang, ito na!"

Tangina naman, aga-aga. Ngayon na nga lang makakapagpahinga ng maayos, nang-iistorbo pa.

"Yuno!" boses pa lang, kilala ko na kung sino.

Napakamot ako ng ulo habang naglalakad papunta sa pinto, pilit nilalabanan ang antok. Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad ang hindi ko gustong makita.

"Si ganda pala 'to e."

Si ganda takbuhan.

Patay, singilan na naman pala.

"Good morning ganda, ano meron?" patay-malisya kong tanong.

Sinalubong ko rin ng pilit na ngiti habang si Aling Chona, ang may-ari ng apartment, ay nakasimangot nang masama sa akin.

"Alam mo naman siguro kung bakit ako nandito, 'di ba?" mataray niyang bungad.

Napabuntong-hininga ako pero ngumiti pa rin. "Naman! Syempre, ie-extend mo 'yong due date ko, 'di ba?" sabi ko sabay kindat.

"Naku, Yuno, hindi mo na ako madadala sa ganyan-ganyan mo!" singhal niya.

Pero naputol 'yong sermon nang medyo sinandal ko 'yong katawan ko sa pinto at tinaas ko ng bahagya 'yong braso para mag-flex ng biceps. Buti na lang naka-sando ako ngayon.

"Please, Aling Chona?" I leaned in, smirking. "Bayaran ko naman 'yong renta next week e."

Napatingin siya sa braso ko, at napalunok. I smirked. Aba, mukhang epektib!

"S-sige, pero..." napahinto siya at tila na-realize ang sasabihin. "Ay hindi! Ngayong semana kailangan ko na 'yong bayad!" Biglang bawi nito, kaya napakamot ulit ako ng ulo. Pucha, hindi umubra.

"Baka kaya ko naman sa tatlong araw, antayin ko lang 'yong sweldo ko," pag-aalibi ko. Sana naman makalusot, Lord.

"Siguraduhin mo lang, Yuno. Kotang-kota na ako sa mga pa-delay mong ganyan!" she snapped back.

Nagmumura na lang ako sa isip habang paalis si Aling Chona, pero bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko, nasilip ko pang nakagat-labi siya habang sinusulyapan ang biceps ko. Naiiling akong pumasok sa loob. Tanda-tanda na, lumalandi pa.

"Fuck," mura ko nang masipa ko ang isang bote na puno ng tinta.

Nagkalat ito agad sa sahig kaya mabilis kong kinuha 'yung pamunas. Tangina, nakalimutan ko pa lang linisin 'to kagabi dahil sa pagod.

It literally took me 5 hours after my night shift to do the sketching, background, at first layer. Grind kung grind kasi kailangan kong makabenta ng artwork ngayong linggo para pandagdag sa gagastusin ko. Hell week talaga sa mga bayarin kapag bagong buwan.

Natapos ko na 'yong isang canvas noong nakaraang araw, at meron pa akong isang tinatapos. Matapos ko lang talaga 'to, magpapahinga na uli ako kakapinta. Tangina, magpaparty talaga ako at maglalaklak ng chucky.

Pagkatapos kong linisin ang tinta, kinuha ko 'yong phone ko at chineck 'yung post ko kagabi. Nag-post ako ng thirst trap photo sa Facebook. Shirtless habang hawak-hawak 'yong bagong artwork ko.

÷÷÷

Yuno Constantine Fyodorov:

I'm not for sale, but my art definitely is. ;)

1328 likes 436 comments 354 shares

÷÷÷

Without ToppingsWhere stories live. Discover now