Chapter 44

20.7K 597 483
                                        

Negate

It's been another week, pero hindi ako makatulog nang maayos mula nang may malaman ako kay Jester tungkol kay Cid. Marami akong tanong na paikot-ikot sa utak ko matapos kong marinig 'yon.

Cid was banned from representing the Philippines in international competitions? Kahit sa Japan? At ang tatay niya pa talaga ang may pakana kung bakit nangyari 'yon? How could he do that to his own son?

Akala ko ba family is love? Pero mukhang kay Coco Martin lang ata 'yon applicable.

Unti-unti ko ng naiintindihan kung bakit walang scouting na kumukuha sa kanya dahil gano'n kalakas ang impluwensya ng tatay niya sa industriya ng paglalangoy sa Pinas.

Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng inis at pagkalito sa nangyayari kay Cid. Dati sigurong Hapones na shokoy 'yong tatay niya at sinakop tayo kaya takot ang mga scouting company na kunin si Cid.

And the more I learn about it, the more twisted it feels. I mean, his own father — na siya pa mismo ang presidente ng Philippine Aquatics Council? Iyong namamahala sa lahat ng competitive swimming at aquatic sports sa bansa?

So... basically, the guy who's supposed to protect the sport and the athletes — is the same person who just destroyed his own son's career?

Tangina, anong klaseng tatay 'yan?

And somehow, I felt conflicted about Cid... kasi paano niya nagawang ipagpatuloy ang swimming kahit na alam niyang hindi siya sigurado kung may patutunguhan?

I couldn't wrap my head around it. What kind of strength does it take to keep swimming toward a dream when the waters are murky, and the finish line keeps getting pushed further and further away — by your own blood?

I dragged my hands through my hair, groaning. Nakakainis! Hindi ko dapat 'to pinoproblema pero tangina!

"What's wrong? Are you sick, Dārin?"

Natigil ako sa pag-gulo sa buhok ko nang maalalang kasama ko nga pala si Cid ngayon. Nag-aalalang tumingin siya sa akin at natigil sa pagpipinta sa maliit na canvas.

Agad akong umiling at napatingin muli sa steak kong hindi ko pa nakakalahati. "Ayos lang ako."

Tangina, masarap 'yong steak dito pero sa bawat kagat ko, hindi ko maramdaman 'yong lasa.

"Eat more."

"Busog na ako," tipid kong sagot.

He pursed his lips, glancing at my plate before locking eyes with me. "Your plate was full, not you. You barely touched anything. You didn't even eat the ice cream."

Napatingin din ako sa ice cream na hindi ko man lang nagalaw. Gano'n ba ka-obvious sa kanya na nag-ooverthink ako ngayon?

We were doing his therapy in an expensive steakhouse. Gutom daw kasi siya at mas magiging ganado siya kung may kinakain habang nagpipinta. He'd even spouted some psychology nonsense about how flavor stimulated creativity. 

At this point, siya pa yata 'yong umaaktong therapist kesa sa akin. Aangal pa sana ako kanina, kaso biglang nagpacute sa harap ko, e. Uto-uto pa naman ako sa kinginang mukha niya.

"Ayos nga lang, bilisan mo na d'yan," pagsisinungaling ko sabay thumbs up.

Inabot ko ang tubig at uminom. Pero napahinto ako nang maramdaman kong dumampi ang likod ng palad niya sa noo ko. Cid was leaning forward, face just inches from mine, checking me. The heat from his skin immediately rushed into me and I felt an electric jolt from it.

"Hmm, no fever. Is something bothering y—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang mabuga ko sa kanya ang tubig na iniinom ko. Tumama ito sa gilid ng mukha niya at tumulo pa sa puting polo nito.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now