Yuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
Naniningkit ang mga mata ko habang tinititigan ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
Tangina, sino 'to? Bakit may babae rito? Pumayag ba ako?
Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. Unang napansin ko ang magandang hubog ng katawan niya.
An hourglass figure that perfectly matches her sleek black tube dress with open-toe heels, paired with a cream-colored cardigan draped over her shoulders. May dala rin siyang beige handbag na mukhang mamahalin.
Kapansin-pansin din ang mataas na ponytail niya at ang maaliwalas pero matapang na mukha. She has this classy yet intimidating aura that demands attention.
Honestly, she's the type of girl I'd usually admire from afar— or maybe even kneel for. Pero ngayon, iba ang pakiramdam ko.
Naiinis ako.
Pinakalma ko ang sarili ko at tumingin sa loob ng condo ni Cid. I just need to check on him, then I'll leave. Yes po, opo, aalis agad ako. May babae naman kasi pala rito.
Kumunot ang noo ng babae nang mapansin niya ang ginagawa ko, kaya sinara niya ang pinto.
"Again, who are you? What's your purpose here?" mataray niyang tanong sabay halukipkip.
Natigilan ako. Napakunot ang noo ko nang bahagya sa tono ng boses niya. Aba, kailangan ko yatang tapatan 'tong katarayan niya, ah.
Okay, mga tropa. Sassy Yuno mode: activated.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Ikaw, sino ka? At bakit ka nandito?" balik ko.
Medyo napanganga siya sa tanong ko, halatang hindi sanay na hindi nasasagot agad ang mga tanong niya. Ganitong mga ugali masarap asarin, e.
"Celine. And you?"
"Okay, Celine, bakit ka nandito?" balik-tanong ko ulit, mas pabalang pa ngayon.
Nanlaki ang mata niya sa paraan ng pagsagot ko. Hindi ko rin sinagot 'yong tanong niya na alam kong mas ikinakainis niya. Para-paraan din 'to, e.
Bahagya akong ngumisi para ipakita ang charming smile ko. I know this type of girl. Ito 'yong mga tipo ng babae na idadaan ka sa pagtataray nila para makuha ang loob mo.
Sus, gusto pa ata kami i-two time ni Cid, mga tropa.
Napatingin siya sa gilid bago bumalik ang tingin sa akin, at parang gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Naiinis siya, at mas gusto ko pa siyang inisin lalo.
Sorry, miss, pero wala akong interes magpakilala sa 'yo. Masyado mong sinisira ang gabi ko.
"I don't have to explain myself for being here. Now, who the hell are you?" mataray na tanong niya ulit.
"Gan'yan ba dapat ang boses ng mga nagtatanong mæm?"
Her mouth hung slightly open. Nakita kong namula rin ang mukha niya. Jackpot.