Halloween
"Pre, wala raw power rangers na orange."
Napalingon ako kay Josen at naputol ang pagmomoment ko nang bigla siyang magsalita. Nakaupo kami sa bench sa tabi ng campus cafeteria, nagpapahangin habang umuusok pa ang hapon.
Tinignan ko ang gawi niya, abala siya sa cellphone niya. Ka-chat niya ata iyong nagbebenta ng costume.
"Sige lang, pre," sagot ko, ibinalik ang tingin sa mga estudyanteng naglalakad, karamihan hawak pa ang meryenda nila.
Sinipsip ko uli ang Chucky ko, nagpapaka-busy para hindi niya mahalata na may kung ano akong iniisip.
"Seryoso, ayos ka lang ba?" tanong niya nang lumapit siya at kumuha rin ng Chucky mula sa pack na dinala ko.
May halong pag-alala ang tingin niya, na parang may nakikita siyang hindi ko naman sinasadyang ipakita. Imbestigador talaga 'tong si Josen e.
Tumango ako at napangiti na naman nang wala sa oras, sabay sipsip ulit. Tangina, bakit parang dumoble 'yong sarap ng Chucky ngayon?
"Seryoso? E nakakaapat ka na n'yan, oh," ani niya habang sinisipat ang karton sa gilid. Napanguso na lang ako, pinipigil uli ang ngiting gusto nang lumabas.
"Bakit ba? Ayos lang naman ako."
"Umiinom ka lang n'yan pag stress ka e," kunot-noo niyang sabi. Kilalang kilala talaga ako ni tanga.
Napatingin uli ako sa kanya, seryosong sumisipsip siya sa Chucky na bigay ni Cid. I frowned slightly. Gusto ko pa sanang ipagdamot 'yong Chucky, pero baka ano pang isipin ni Josen.
"May stress bang ngumingiti?" biro ko, sabay turo sa labi ko na hindi ko mapigil ang pagngiti.
"Malay mo nababaliw ka na sa sobrang stress? May gano'n, pre. Senyales din 'yan."
Nababaliw? Ako? Depende.
Pakiramdam ko kada-inom ko ng Chucky na bigay ni Cid, parang mas nararamdaman ko na 'yong sincerity ng sorry niya. Kada-sipsip may kiliti e. Kahit iyong note na bigay niya, pinadikit ko sa kwarto.
Malala na ba? Syempre, kwento niyo 'yan e.
"So ano, pre? Ano na lang suotin natin? Walang orange e," pagbalik sa usapan ni Josen.
"Sige lang, kunin niyo na 'yang power rangers niyo," sabi ko habang nilalaro ang karton ng Chucky sa harap ko. "Hanap na lang ako ng ibang paraan para sa akin."
"Sure ka? E 'di hindi na tayo pare-parehas na magtotropa." Kunot-noo siyang nakatingin sa akin.
Ngumisi ako. "Ako bahala."
"Gago, baka 'di ka sisipot ah," sabi niya sabay pinaningkitan ako ng mata. "Sunduin ka namin bukas ng 5 PM. Nakapagpaalam ka ba kay Jester?"
Kailangan pa bang magpaalam doon?
Umiling ako. "For sure, nandoon din siya bukas."
"Sa bagay, puro nasa Fillwood naman 'yong mga imbitado bukas," may bahagyang pag-alala sa boses niya. "Sikat ka pa naman sa school nila."
"Gano'n talaga 'pag kulang sa pansin," natatawang sabi ko. "Binibigyan ng atensyon—"
Hindi siya natawa sa hirit ko kaya tumahimik na lang ako. Tangina, napakaseryoso!
"Seryoso, iwas gulo muna, pre," sabi niya.
Nagkibit-balikat ako. Humupa naman na 'yong issue ko sa Fillwood, saka wala naman talaga akong kasalanan doon, 'di ba? Kung tutuusin, 'yong dalawa pa nga dumungis sa pangalan ko. Pag-umpugin ko sila e.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox; he pushes away help yet silently...