Chapter 31

22.3K 670 993
                                        

Sign

"Teka lang, isang take pa!" reklamo ni Shie nang matapos namin sayawin ang gusto niyang i-TikTok.

Sa wakas, meron na rin akong TikTok buddy. Mabuti na lang talaga at nakilala ko 'to si Shie. Wala kasing kwenta sila Fifth pagdating sa ganito. Bukod sa hindi nila masyado relate ang pag-thithirst trap ko, ay hindi rin talaga sila nakakasabay sa mga sayaw sa TikTok.

"Hindi pala pantay foundation ko, shuta kayo! Wala man lang nagsabi!"

"Okay na 'yan, Shie. Litaw na litaw naman 'yong ganda mo sa video," biro ko na agad niyang inirapan.

"Lumilitaw kasi mas maputi 'yong mukha niya," natatawang gatong ni Abby na nakaupo lang at nanonood sa amin.

"Gaga ka!"

Natawa naman ako sa asaran nila. Nandito kami ngayon sa cafeteria habang nag-aantay ng next class. Isa na lang, at tapos na kami sa araw na 'to.

"Isa pa, Yuno! Hindi ko magawa-gawa 'yong papwet ni kumareng Tyla. Kailangan ko pa atang magpalagay ng silicone para umalog."

"Mas lalo 'yang titigas, gaga!" sagot ni Abby.

"Sige, pero ayaw mo talagang sumali, Abby?" tanong ko. Agad naman siyang umiling.

"Ay, 'wag na! Makukuha ko lang spotlight niyo d'yan."

"Malamang center of attention ka talaga. Ang tigas ba naman ng katawan mo, babae ka!" asar ni Shie kay Abby, kaya tinapunan naman siya nito ng mineral bottle.

Nakailang take pa kami bago matapos. Gustong-gusto kasi ni Shie ma-achieve 'yong twerk ni Tyla na kanina pa namin inuulit-ulit. Pagkatapos, agad ko ring pinost ang video matapos kong papiliin si Shie kung alin ang mas okay.

"Jusko, dadami na naman followers ko nito," tili niya habang pinapanood ang video namin sa phone ko.

"Marami nga may crush sa 'yo sa account ko, pili ka na lang doon," I teased.

He rolled his eyes. "Ta's puro babae na naman? Wala man lang dickavility na makukuha ako d'yan sa socials mo?!"

"Sensya na wala e," ngisi ko.

Halos chinita girls lang kasi ang nakafollow sa socials ko at iilan lang din ang mga lalaki, kaya ang ending — halos mga babae ang nagtatanong kay Shie kasi gwapo at natural naman na may itsura siya.

"Hilig mo kasi sa girls, dapat ang lalaki ay para sa lalaki, e."

Muntikan na akong masamid sa sinabi niya. Pabor na pabor ako dati kung puro babae lang ang naka-follow sa 'kin. Pero tangina ngayon, sa lalaking singkit lang pala bagsak ko.

Na-miss ko tuloy baby ko, magpapapansin nga 'ko mamaya.

"By the way, Yuno, parang frontline ka na naman ata ng exhibit next week," biglang sabi ni Abby kaya napatingin kami sa kanya.

"Oo nga raw sabi ni Mrs. Reyes," sagot ko habang kumukuha ng banana cue sa plato. "Kasali naman kayo sa exhibit, 'di ba?"

"Hindi pa sure. Nagsend kami ng entry namin, at sana nga ma-approve," ngusong sabi ni Shie, habang kumakagat din ng banana cue.

"Maa-approve 'yon, kayo pa ba," I said, trying to encourage them. "Ganda kaya no'ng paper sculpture mo."

"Depende rin kasi, dami gusto sumali, e," sagot ni Abby. "Alam mo naman pili lang kinukuha nila."

"Taray kasi ng sa 'yo. 'Yong head mismo nag-request na isali ka agad," si Shie.

"Magpapapansin ka lang, 'yon 'yong technique d'yan, e," ngisi ko sa kanila.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now