Chapter 25

25.9K 769 614
                                        

Home

"Kuya!" I heard my brother's voice calling for me at the entrance of the bus station.

Kasama niya sila Tiya Jane, kakarating lang nila galing Vistaluna. A wide smile spread across my face as I saw Hiro's toothy grin. Agad siyang tumakbo papunta sa akin at lumuhod ako para salubungin ang yakap niya.

Oh God, I missed my brother. Ang tanging dahilan ko.

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya nang paulit-ulit. My arms tightened around him, savoring the warmth of his small frame. Kulang na lang ay amuyin ko nang buo ang kapatid ko.

"Laki-laki mo na talaga," sabi ko habang yakap ko pa rin siya.

"Kung bumibisita ka ba naman sa probinsya, e 'di sana nakikita mo paglaki ko, Kuya," he muttered, his voice muffled against my chest.

Natawa ako. Kahit nakabaon ang mukha niya sa dibdib ko, alam kong nakanguso siya. Tangina, kaugali ko talaga.

"E 'di gutom kayo roon?" tanong ko, kunwari seryoso.

"Ayos na ako sa dahon-dahon ni Mamang Jane, Kuya. Mas masarap pa 'yon kesa sa karne," sagot niya, kaya napanguso na rin ako. Na-miss ko tuloy luto ni Tiya Jane.

Napatingin ako kina Tiya Jane at Tiyo Fred na nakatayo sa harap. Parehas silang nakangiti. My grin grew bigger as I took in the sight of the two people who had saved us when it was just me and Hiro against the world.

Kung wala sila, siguro wala rin kami ngayon.

Tumayo ako habang hawak pa rin si Hiro at lumapit kina Tiya. Agad ko rin silang niyakap gamit ang magkabilang kamay ko.

"Na-miss ko ho kayo," bulong ko habang hinahalikan ang pisngi nila.

"Diyos ko po, anak ko," Tiya said tearfully, her voice trembling. "Mas na-miss ka namin, anak, kamusta ka rito?"

"Ayos na ayos lang ho."

"Mas malaki na katawan mo sa akin, 'nak,' dagdag ni Tiyo Fred, sabay tawa. "Tanda ko dati hanggang bewang lang kita."

"Syempre, Tiyo, hindi naman pwedeng gano'n na lang ako lagi. Paano na lang ang mga fans ko dito?" pabiro kong sabi sabay tawa.

"Naku, ikaw, bata ka! Marami ka sigurong pinapaiyak na babae dito, ano?" banat ni Tiya, sabay nguso.

I pulled away from the hug, grinning sheepishly as I saw her familiar expression— 'yong usual na ekspresyon ni Tiya tuwing pinagsasabihan ako.

"Mabait ako, Tiya. Alam niyo naman ako. Habulin lang ng babae pero hindi nagpapaiyak," sagot ko na may halong tawa at kindat.

"Naku, 'wag mo akong lokohin d'yan, 'nak. Gano'n na gano'n ka sa probinsya," sabi ni Tiya, umiling pa.

"Tandang-tanda ko pa si Marie, 'yong anak ni Aling Helen. Umiyak nang umiyak kasi gustong-gusto ka. Tapos ang sabi, iba raw nililigawan mo kahit may gusto ka sa kaniya," kwento niya. "Umabot 'yon sa nanay niya kaya hindi na tayo pinautang sa tindahan nila."

"Seryoso ho kayo, Tiya?"

Marie hulog-panty. Iyon lang naman ang kantyaw ko sa kaniya noon habang naglalaro kami. Hindi ko alam na may ganito palang chismis. Kaya pala biglang siningil kami agad sa utang namin noon ng nanay niya. Hayop na 'yon.

"E, kaso hayaan mo na, nabuntis na siya ngayon," ismid ni Tiya. "Iyong kapitbahay lang din nila na mukhang manyakis ang nakabuntis."

"Naku, ikaw talaga, Mahal. Pati dito hindi mo na pinaglagpas ang pagiging chismosa mo," Tiyo Fred interjected, shaking his head.

Without ToppingsWhere stories live. Discover now