Dare
"Anong kulay ng Christmas tree ba hinahanap mo, Jester?" bugnot kong tanong nang kanina pa kami paikot-ikot sa loob ng department store.
"Stop asking, I'm looking for something," he hissed, glaring at me. I glared back habang parang tuta akong sunod nang sunod sa kanya.
Kainis! Kasing laki ba ng burat ko 'yong hinahanap niyang Christmas tree?
He was looking for a Christmas tree na ipapatayo raw niya sa bahay nila. Honestly, I don't even know where this idea came from. Bugnutin rin naman siya tuwing Pasko kagaya ko and he never seemed excited kahit noon pa. He never cares about putting up Christmas trees or decorations.
Naalala ko pa dati, ako lagi taga-sabit ng mga dekorasyon sa Christmas tree nila. I got excited that time kasi first time ko rin maging parte ng paggawa ng Christmas tree. I never got to experience it growing up, kasi hindi naman namin afford.
Pero hindi natapos ang paggawa ng tree nang gabing iyon. At dahil ako si Yuno na bida-bida, I decided to finish it on my own. While I was putting up a Christmas ball, nadulas ako sa upuan na kinatatayuan ko. Mabuti na lang hindi ako bumagsak nang todo, pero napahawak ako sa Christmas tree, dahilan para ito ang tumumba.
Gumawa iyon ng malakas na ingay sa sala, kaya nagising sila. Good thing, si Jester ang unang bumaba at nakita ang katangahan ko. And get this, he took the blame for me nang makababa na sila Ma'am Betty.
"I did it. I was curious," he said to his mom, deadpan.
Parang naiyak pa nga si Ma'am Betty noon, dahil minsan lang niya makita ang anak niyang 'butihin' na maging involved sa mga ganoong bagay, kahit pa joke time lang ni gago at ako talaga ang may sala.
"Fuck, I didn't know this was gonna be hard," I heard him mutter, his brows furrowed as he scanned the rows of Christmas trees in front of us.
"Kahit saan d'yan, Christmas tree pa rin 'yan," sabi ko habang lumalapit sa isang Santa Claus na animatronic na sumasayaw.
Mangha akong pinanood iyon, aliw na aliw sa robotic na galaw niya. Natawa rin ako nang bigla itong kumembot. Lakas maka-adonis ng Santa nila dito.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-thirst trap katabi si Santa. Matagal-tagal na rin simula noong huling post ko, kaya why not ngayon, 'di ba?
Christmas entry kumbaga. Ang sarap tuloy ni Santa Claus habang katabi ako.
Kumunot ang noo ni Jester nang makita ang ginagawa ko, kaya agad akong tumigil at bumalik na parang bata sa tabi niya.
"Ano, Hidalgo? May nahanap ka na?" tanong ko sabay akbay sa kanya. Sinulyapan niya ako at napailing. Hmm, kinakahiya niya ba ako?
"What do you think?" tanong niya. "Kung ikaw papapiliin, alin d'yan ang gusto mo?"
Made in Japan sana, Jester. Wala bang gano'n?
"Wala bang totoong pine tree dito?" biro ko, sabay ikot ng tingin sa paligid.
Hindi siya sumagot kaya agad akong kumalas sa pag-akbay. Baka mamaya masapak na niya ako.
"Kahit ano d'yan, sa disenyo ka na lang bumawi," suhestyon ko, pero napadako ang tingin ko sa isang white Christmas tree. Tinuro ko naman iyon. "Maganda rin 'to."
Tinitigan iyon ni Jester at walang pagdadalawang-isip na tinawag ang sales lady. "We're getting this, miss."
Tangina? Ako lang pala papapiliin? E 'di sana kanina pa ako nagsabi para natapos agad.
Matapos ang Christmas tree, naghanap na kami ng mga pwedeng palamuting ilalagay. Since magaling ako sa arts, ako na rin ang pina-decide ni Jester sa magiging disenyo. I chose gold ornaments to match the white tree. Namili ako ng Christmas balls, stem ornaments, flowers, at kung ano-ano pang dekorasyon basta kulay gold.
YOU ARE READING
Without Toppings
RomanceYuno, a painter and delivery guy, lives his life like a dish served without toppings. No flavors, no attachments, just bare survival. Though selfless and determined to stand on his own, Yuno's solitude is a paradox: he pushes away help yet silently...
