Chapter 1

37.7K 896 1.5K
                                        

Money

"Pauwi pa lang po, opo, yes po, otw po."

Kakasakay ko pa lang ng jeep, pero heto na si Jester, anak ng may-ari ng pizza café na pinagtatrabahuhan ko, putak nang putak sa kabilang linya. Sarkastiko ko lang siyang sinasagot sa tawag niya na alam kong mas ikakainis niya.

Akala mo siya 'yong may-ari, eh pareho lang naman kaming palamunin ng tatay niya. Kung pwede lang dukutin mata niya at gawing toppings ng pizza, ginawa ko na.

Pinatay ko na agad ang phone ko pagkatapos marinig 'yong walang kwenta niyang sermon. Napabuntong-hininga ako at napalingon sa gilid nang mapansin kong nakatitig sa 'kin 'yong batang naka-akay sa nanay niyang prenteng nakikipagchismisan.

Nakita kong ilang beses akong inirapan nito na nagpa-init lalo ng ulo ko. Walang sabi-sabi, agad kong kinuha 'yong lollipop na nasa bunganga niya at walang atubiling tinapon ito sa labas. Konti na lang pasensya ko ngayon, dumagdag pa 'tong bulilit na 'to.

Umiyak bigla 'yong bata, at nagsumbong agad sa nanay niyang chismosa.

Gago, lagot.

Taranta akong napa-stop the car kahit wala pa ako sa babaan ko. Bwiset na bata, pati ako nadamay. Napilitan tuloy akong maglakad papunta sa café.

Medyo malayo, pero 'di ko na inisip, kailangan ko na magmadali. Hindi pa ako kumakain simula kaninang tanghali, kaya halo na 'yong gutom at inis.

Ang hirap talaga 'pag 'di ka nepo baby, tanginang buhay 'to. 

Pagdating ko sa café, pawisan na pawisan ako. At as usual, maraming tao sa loob. Sa totoo lang, hindi naman talaga masarap 'yong pizza dito. Dinadagsa lang kasi mga pogi 'yong empleyado, kasama na ako syempre. Bilib din ako sa marketing strategy ng tatay ni Jester e. Halatang may vision si sir.

"Late ka na naman, Yuno. Nag-aalburuto na naman 'yong anak ni sir Gab," rinig kong sabi ni Sevi, katrabaho ko, pagkapasok ko sa staff room. Halata namang pauwi na siya, suot na 'yong bag na parang nagmamadali pang makauwi.

"Wapakels, tropa," sagot ko, sabay punas ng pawis at suot ng uniform. Nag-ayos din ako sa harap ng salamin.

Syempre, part ng trabaho 'to e. Puhunan namin dito 'yong pagpapapogi. Kung hindi ka gwapo, parang wala ka nang ambag.

Hindi naman tatawagin 'yong café ng 'Pizzarap' kung wala iyong sarap sa mukha ko.

Naiiling na lumabas si Sevi, he's judging me silently again. Pero natural na wala akong pake sa mga bagay-bagay. Bahala siya, madapa sana siya pauwi. 

Magsisimula pa lang ang shift ko at hanggang midnight ito. May pasok kasi ako kada-umaga sa university kaya gabi ako nagtatrabaho. Grind life is real.

Paglabas ko ng staff room, ayan na, nagsalubong na kami ni Jester. Ito na naman ang demonyong anak ni Sir Gab. Ang layo sa ugali ng magulang niya, napagkakamalan ko tuloy na isa siya sa mga batang gawa ng unwanted pregnancy.

Siguro kung ginawang withdrawal method na lang at pinutok siya sa kama, 'di sana ako napeperwisyo lagi.

"Late ka na naman," may asar sa boses niya, magkasalubong na naman ang kilay.

"Five minutes lang e," sagot ko, sabay taas ng kilay.

"Late pa rin. Sumbong kita kay daddy," pagbabanta niya na parang pre-schooler.

Nagkibit-balikat na lang ako. "Edi sumbong mo. Wala rin namang pake papa mo kung malalate ako o hindi." Ismid ko sabay talikod at inis na iniwan ko siya.

Nag-che-check lang naman siya ng attendance ng mga empleyado dito, kahit 'di naman talaga kailangan. Parang gumagawa lang siya ng sarili niyang trabaho para hindi boring 'yong buhay niya. Halatang bida-bida ampota.

Without Toppings (Pulses and Flavors Series #1)Where stories live. Discover now