2 - Glimpse of the Past (His Version) - Part 2

9.8K 238 2
                                    


Sinabi ko kay Ms. Torres na gusto syang makilala nila Mommy at pumayag naman sya.


Sinundo ko sya. Saktong 7p.m. ay nasa bahay na kami, gulat na gulat sya noong makitang nandoon si Ferline. Kahit ako ay nagulat pero hindi na lang nagpahalata. Normal naman na nasa bahay namin si Ferline, mas madalas pa nga dati. Hindi ko lang inexpect dahil nga hindi naman kami gaanong nagkikibuan nitong mga nakaraang araw. Nalimutan kong hindi nga lang pala sya close sa akin, maging kila Mom and Dad at sa Twins.


Hindi ko lang talaga ineexpect na pupunta sya. Well, lagi naman syang nandito, parang second home na nga nya ang bahay namin at may mga gamit din sya dito pero hindi ko talaga alam na pupunta sya dahil nga galit pa sya sa akin.


Noong nagdi-dinner ay nagsimula ng magtanong sila Mommy.


"Ilang taon ka na ba hija?" Dada asked


"Twenty Three po Sir" magalang na sagot ni Miss Torres. Kakaiba ang tingin nya kay Dada, parang naiilang o nahihiya o humahanga na hindi ko mawari.


"Saan naman kayo nagkakilala ni Franz?" sunod na tanong ni Mommy. Ang dalawang kapatid ko ay halatang nananahimik at sinusuri ng mabuti ang girlfriend ko.


"Sa University po." Maikling sagot ni Miss Torres, halatang kinakabahan sya kay Mommy, hindi naman nakasimangot o nakataas ang kilay ni Mommy pero hindi din sya ngumingiti kaya siguro nakakakaba.


"Hey Mom, Dad.. Wag nyo naman pong takutin ang girlfriend ko." Pabiro kong sabi para mawala ang tension ko at ang kabang nararamdaman ng girlfriend ko.


"Duh! Kailan pa nakakatakot ang pagtatanong ng age at kung saan nagkakilala?" mataray na sagot ni Cheska. Ngayon alam ko na na ayaw nya sa girlfriend ko.


"Cheska, that's rude!" saway ni Mommy sa kanya. Yan ang gusto ko kay Mommy, hindi sya nambabastos ng tao.


"Sorry." Sagot nya at saka yumuko at ipinagpatuloy ang pagkain.


"Magkaklase ba kayo hija?" malumanay na tanong ni Mommy.


"O-opo." Sagot ni Ms. Torres. Gulat na gulat ako sa isinagot nya. Wala sa usapan namin na magsisinungaling sya tungkol doon. Ayokong lokohin sila Mommy sa bagay na iyon pero wala akong magagawa. Tinignan ko si Ferline na mukhang hindi naman nabigla sa sinabi ng girlfriend ko.


"Talaga? That's cool!" Chelo commented, nginitian sya ni Ms. Torres but I know better. Alam kong alam ni Chelo na nagsisinungaling sya. Huling huli ko din ang patagong tinginan nila ni Ferline at ang pag-irap nya sa girlfriend ko noong hindi nakatingin.


Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan lang kami nila Mom bago ko ihatid ang girlfriend ko.


Si Chelo at Cheska  naman ay kasama si Ferline na nagpaalam na aakyat sa taas at magbabonding daw. Halos isang lingo kasi silang hindi nagkita-kita. Mabuti na din yun dahil madalas akong napapatingin sa kanya kanina pa.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon