A very important note (lol) :
1. Sorry sa napakatagal na update. Busy lang talaga at madalas wala ng time magtype ng update. And Please guys, don't expect me to type an update sa phone. Sa laptop nga nahihirapan ako, sa phone pa kaya? But believe me, I've tried naman, hindi lang talaga kaya.
2. I know there's a lot of typo error and all other type of errors whatsoever, pagtyagaan na lang muna dahil hindi ko na kayang magproofread. Halos pikit na ang dalawa kong mata at daliri na lang ang nagana. Feel free to correct me ha, my inbox, comment box and message board are open for your constructive criticism. (Hindi ko nga lang maicocorrect agad agad. Update nga, hirap at mabagal ako, makapag edit pa kaya? Please understand ha? Hhahaha)
3. Thank you for the support guys. Hindi lang dito sa My Little Bride kundi pati na din sa iba ko pang stories! (Makaibang stories ako di ba? Wagas? E dalawa lang naman iyon. Isang Completed at isang On hiatus. Hahhaha). The reads, the votes, the comments, the post in my message board, personal messages -- These are highly appreciated kahit minsan, hindi halata. Lalo na po sa mga nag-aaksaya ng memory space ng gadget nila by adding my stories to their reading lists, alam ko hindi ko ata kayo nasasama madalas or palagi sa acknowledgement ko pero please be informed that I also appreciated it a lot. Kahit ang mga silent readers (kung meron man. lol.) ay naappreciate ko.
4. Samalat din sa mga nagfollow sa akin. Infairness, 500 plus na kayo. Nakakatuwa. Thank you sa inyo! I never asked anyone of my readers to follow me naman pero nakakataba sya ng puso at nakakaobliga pong mag-update. Feeling ko may utang ako sa inyo lagi na update. Hahahaha
5. Enjoy reading and if possible, paki enjoy na din po ang paghihintay. Hahahaha Peace yow.
Goodmorning :) Have a nice day ahead to all of you...........
***
"Oh, nagmumukmok ka na naman dyan? Tatawagan ko na ba at papupuntahin dito?" mapang-asar na bungad sa akin ni Shane. Nakakainis. Naiinis na nga ako, lalo pa akong inaasar ng isang to.
Dalawang araw na mula ng umalis si Madrigal at mula noon ay hindi man lang sya nagpaparamdam.
Natatakot ako na baka totohanin nya ang sinabi nya noong huli kaming nag-usap na hindi na nya ako guguluhin pagkatapos noon. Dapat pala ay hindi ko sya hinayaan para patuloy nya pa din akong lapit-lapitan.
What now? Hindi na nya ako kakausapin? Tapos na sya sa akin? Ganoon ba iyon? Ayaw na nya sa akin at sa anak namin?
"Urgghhhhh! Nakakaloka kang Madrigal ka!" bwisit kong sabi sa utak ko at saka ginulo ang sariling buhok. Kulang na lang a sabunutan ko ang sarili ko.
'You're funny Ferline." Pigil ang tawa na sabi ni Shane. Sinamaan ko sya ng tingin.
"You're not helping Shane. Get out of my sight." Pagtataray ko. I know, I am harsh, rude rather but it's not my fault alone. Alam naman nyang masama ang timpla ko, inaasar pa nya ako.
"Calm down Ferline, it won't do you any good."
"Never in the history of 'calming down' has anyone ever calmed down by being told to calm down, Shane." I answered sarcastically. Hindi talaga ako natutuwa sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...