Sobrang haba ng naging tulog ko. Kinabukasan na ako nagising ng umaga. Ang sabi ni Manang ay sobrang himbing ng tulog ko kaya hindi na nya ako ginising kagabi.
Sleep. It's a temporary escape from all kind of pains. Kapag tulog ako, wala akong nararamdaman. Kapag tulog ako, hindi ko nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko kapag gising ako. Kapag tulog ako, hindi ko naiisip ang mga nangyari sa akin ng mga nakaraang araw.
"Ineng, kumain ka ng madami, ang putla mo." Sabi ni Manang Lorna at saka inilapit pa sa akin ang sinangag na niluto nya.
"Sabayan nyo po ako Manang." Aya ko sa kanya, nakaupo lang kasi sya sa harap ko at pinapanood akong kumain.
"Nako ineng, hindi na. Tapos na akong kumain kanina pa. Kasabay ko ang anak ko." Nakangiting sabi nya. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang kumain.
Nang matapos ay umakyat na ako sa taas para maligo. Sisimulan ko na agad ang designs na gagawin ko para sa rest house.
Sobrang bare kasi ang rest house. Parang isang bahay na walang laman. Parang walang nakatira. Sofa bed sa sala, sa dining ay simpleng table at ref lang ang laman, ang mga malalaking kwarto ay double sized bed lang ang laman.
Sobrang ganda ng yari ng bahay kung titignan mula sa labas kaya hindi ko inaasahan na walang kalaman-laman ang bahay sa loob.
Inilabas ko galing sa kotse ang mga gamit na kailangan ko at nagsimula ng mag sketch. Dito ako pumwesto sa Gazebo dahil presko at payapa.
Nakakailang subok na akong gumuhit pero hindi ko makuha ang gusto ko kaya puro nilamukos na papel ang nasa harap ko. Okay naman ang mga sketches ko pero parang may kulang o kaya ay sobra. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong kalabasan ng ginagawa ko.
Halos makapananghali na ay isa pa lang ang nagagawa ko. Hindi ako satisfied doon pero pwede na din. Maganda naman pero hindi sakto sa gusto ko. Kahit ang mag design sa laptop ay ginawa ko na din pero wala pa din akong magawang matino.
"Ineng, gusto mo bang dito na lang mananghalian?" tanong ni Manang sa akin.
"Sa loob na lang po. Nakakahiya naman kung dadalin nyo pa po dito ang pagkain ko." Nahihiyang sabi ko.
"Hay nako itong batang ito, walang problema iyon, nandito ang anak ko, may tutulong sa akin. Maghintay ka na lang dyan." Wala na akong nagawa dahil tumalikod na si Manang at naglakad na pabalik sa loob ng bahay.
Hindi nagtagal ay bumalik din sya kasama ang isang binatilyo na bitbit na ang mga pagkain.
Adobong Manok. Hmnnn.. His favourite. Hindi talaga pwedeng hindi ko sya maalala sa mga random things na nakikita ko sa paligid ko.
Iniwan na nila ako matapos maayos ang mga dala nilang pagkain at ipakilala sa akin ang anak ni Manang Lorna na si Tisoy. Kabaliktaran ng totoo nyang kulay dahil sumasama daw to sa mga nagsasaka pagkatapos ng eskwela.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...