It's been a month, malapit na akong matapos sa Mansion sa Mindoro, at mas madaming oras na din ang naibibigay ko sa Resort nila Franz.
He's really courting me, sinusundo na nya ako sa Mindoro at palagi kaming sabay umuwi, Umaattend din ako palagi sa family day nila every Saturday.
Masasabi kong may mutual understanding na kami, he's getting extra sweeter as the day passed by, he's a perfect gentleman, at masasabi kong hindi na sya nangbababae katulad ng sinasabi ng kapatid nyang ginagawa nya noong umalis ako.
Kahit naman nawala akong ng ilang taon ay updated na ako ngayon sa mga naging buhay nila noong wala ako. Chelo is giving away all the information about his brother. He's womanizing, his drinking habit, kung kani-kanino sya na-link, pati ang mga babaeng nagki-claim na engage na sila ni Franz.
Naniniwala akong itinigil na nya ang mga iyon dahil halos ka text ko sya gabi-gabi at kung hindi naman ay magkasama kami sa Resort nila.
Hindi naman nya siguro ako isasama sa mga collection nya ng girls diba? Hindi naman siguro nya guustuhin na mawala na ako ng tuluyan sa buhay nya.
Gustong-gusto ko na nga syang sagutin pero pinipigilan ko lang dahil natatakot ako na baka magbago sya sa sandaling mapasagot nya ako. At aaminin kong nag-e-enjoy pa ako sa panliligaw nya sa akin. The flowers, the chocolates, the random gifts, his sweet words and actions. Gusto kong maniwala na kung hindi man namin mahigitan ay mapantayan man lang sana namin ang relasyong meron ang parents nya. His parents are our yardstick when it comes to relationship.
At naniniwala din ako na ang bagay na pinaghirapan ay iniingatan at ang mabilis makuha ay kadalasang hindi pinapahalagahan.
I know, in his heart, that she wants a girl like her mom, and I want my man like tito Franco, a playboy turned into a one woman man. A loving husband and the best father to his kids. A faithful and committed family man. A good provider in his family. If no one is perfect, he is one of those close to it.
"Franz, ayoko na ng flowers, nabubulok lang naman." Angal ko sa kanya, tuwing susunduin nya kasi ako sa Mindoro ay may dala syang flowers. Totoo namang nabubulok lang iyon.
"Kaya nga paulit-ulit kitang binibigyan eh, pamalit doon sa mga nabubulok." Inis nyang sagot.
"Kaya nga wag na, paulit-ulit lang kasing nabubulok." Sayang naman kasi ang pera. Naalala ko dati, lahat ng flowers na binigay nya sa akin, simula noong bata kami ay inipon ko ang petals at may lagayan akong isang box, pero naitapon ko na iyon kaya ayoko ng gawin ulit.
"Bahala ka. Ikaw na nga ang binibigyan." Asar nyang sagot. Kunot na kunot din ang noo nya at direcho ang tingin sa daan habang nagdadrive. Hindi na ako sumagot para hindi na humaba ang usapan. Tahimik ang naging byahe naming.
Akala ko sa byahe lang kami hindi magpapansinan, buong araw pala. Nagkukulong lang sya sa kwarto nya, doon din sya sa kwarto nya kumain.
Ako, nandito sa sala at sinusubukang gumawa ng designs pero halos lahat ng gawin ko, hindi pumapasa sa taste ko, paano pa kaya sa taste ni Franz?
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...