21 - Present Time

6K 145 4
                                    


I am trying to call Franz on my way to his office. I don't want to come unannounced so as much as possible ay gusto ko syang i-inform. Ayoko ding namang makaabala, I know I'm his girlfriend but work is work. I don't want to interrupt or worst, ruin his work schedule.


Pero hindi ko talaga sya ma-contact. Di bale, dadaan naman ako sa secretary nya, kung busy sya ay magbibilin na lang ako para hindi makaabala.


"Good afternoon, is Mr. Madrigal busy?" I asked his PA professionally, I saw recognition in her eyes so I presume that she know me.


"Mr. Madrigal got a visitor at the moment Ma'am, Can you wait for a moment? I will just inform him of your presence." Magalang nyang sabi, akmang iaangat na nya ang intercom noong pigilan ko sya.


"No need, I'll just wait here till he's finished with his visitor." I smiled, bago naupo sa visitor's couch sa labas ng office nya. Baka kasi importanteng kliyente ang kausap nya. Hinayaan naman ako ng PA nya at saka bumalik na ulit sa ginagawa sa harap ng computer.


After fifteen minutes na hindi pa din lumalabas ang bisita ni Franz ay inalok ako ng PA nya ng maiinom but I declined politely.


"Ahh.. Ma'am, are you sure you'll be waiting? Itatawag ko na po kay boss.."


"No. I'm fine." Putol ko sa sinasabi nya, almost five na kasi lagpas isang oras na ata akong naghihintay pero hindi pa din sila tapos. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng magazine.


"Ma'am, uuwi na po kasi ako, itatawag ko na po kay Boss na nandito kayo." Pangungulit ng PA nya na nag-aayos ayos na ng gamit para umuwi.


"No, it's okay. You can go. Basta sure na nasa loob sya ha?" pabiro ko pang sagot. Sound proof kasi ang office ni Franz kaya wala akong madinig galing sa loob.


"Oo naman ma'am! Wala naman pong ibang dadaanan sila Sir palabas eh, unless tumalon sila sa window!" pabiro ding sabi nya na sinamahan pa ng tawa.


"Okay. Baka may pinag-uusapan lang silang importante kaya hindi na namalayan ang oras. Hintayin ko na lang." nakangiti kong sabi


"Sige po Ma'am! Pero po kung mainip kayo, press nyo lang po yung number 1 then call dito sa intercom para maconnect sa loob. Bye!" bilin nya bago tuluyan umalis.


Hihintayin ko pa sya for another thirty minutes then kapag hindi pa sila tapos ay gagamitin ko na ang intercom.


Pero pinalipas ko pa din ang halos isang oras bago ko ginamit ang intercom pero nagriring lang iyon at walang sumasagot sa loob. Ganoon ba sila ka-busy?


Naghintay ako ng another five minutes at saka ako nagtry gamitin ang intercom pero wala pa din sumasagot. Gumagabi na kaya sinubukan ko ng kumatok sa double doors ng office nya pero wala pa din kaya sinubukan kong buksan iyon ng dahan dahan and luckily, it wasn't locked.


Tahimik ang loob at walang tao, nakakapagtaka, napakatahimik sa loob, pumunta din ako sa pantry doon pero wala pa ding tao.

My Little BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon