Lee's note: Guys this is an unedited version ha. Pagtyagaan na ang typo errors and all error that you might encounter upon reading this puchu puchung update. Gusto ko lang talagang mag-update kahit na pikit na ang isa kong matat nagmamakaawa na din ang isa na ipikit ko na sya. Sorry na ha? Hahaha
Good morning and happy reading guys! :)
Chapter 40
Hapon na ng nagising akong mabigat pa din ang pakiramdam. Mas lalo pang bumigat noong maalala ko ang pag-uusap namin kanina. Mali ata ang desisyon kong kausapin na sya. Sana itinaboy ko na lang ulit sya. Sana naghintay pa ako ng mahabang oras para maging handa ako. Sana natiis kong hindi na lang sya kausapin kanina.
Ayoko. Ayokong makinig. Hindi pa talaga ako handa at mas lalong hindi ako handa na intindihin ang mga walang kakwenta kwenta nyang rason.
Akala ko, masakit na yung iniwan nya ako ng walang dahilan, mas masakit pala yung malaman mo na iniwan ka dahil sa hindi ka pinagkakatiwalaan. Yung iniwan ka dahil wala syang tiwala sa pagmamahal na meron ka para sa kanya.
Naninikip na naman ang dibdib ko sa pagpipigil na huwag maiyak. Ang sakit sakit lang kasi na napaka babaw pala ng dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon. Ang sakit sakit lang sa pakiramdam na lahat naman ibinigay mo, pero kulang pa din para pagkatiwalaan ka nya.
Ang sikip lang sa dibdib na nagugulo ng ganito ang buhay namin at ng magiging anak namin dahil lang sa kawalan nya ng tiwala sa akin at pati na din sa sarili nya.
Wala syang tiwala sa sarili nya na kaya namin mabuhay kahit kaming dalawa lang, basta magkasama lang kami, wala syang tiwala sa akin na kayak o syang mahalin kahit hindi nya ako kayang bigyan ng anak? Wala syang tiwala na magiging Masaya kami kahit na kaming dalawa lang? What? Tell me? Ano?
Anong iniisip nya noong mga panahong yun? Na kapag nalaman kong sterile sya, iiwan ko na sya? Hindi na kami magiging Masaya? Hahanap na ako ng ibang lalaking kaya akong bigyan ng anak?
Kung ganon din lang pala ang gusto ko – ang magkaanak, sana noong una pa lang, hindi ko na sya pinatawad, naghanap na lang sana ako ng ibang lalaki na makakapagbigay sa akin non, sana hindi ko na sya binigyan ng second chance. I could have pick any man to give me a child pero sya pa din ang pinili ko! Sya lang kasi una palang naman, simula pa lang na matutong magkagusto tong lintek na puso ko, sya na at sya lang ang ginusto nito.
Hindi ko sasabihin ito dahil lang sag alit ako, but if only I could choose someone to love, hinding hindi ko sya pipiliin, dahil napakahirap nyang mahalin, napakasakit nyang mahalin. Lagi na lang ako ang dehado, lagi na lang ako ang kailangan masaktan, lagi na lang ako ang kailangan mag-adjust, kailangan lagi ako na lang ang iintindi.
Ganoon ata kapag ikaw ang mas nagmamahal, ikaw lagi ang magbibigay! Hindi naman ata tama yon, kapag ganoon na ang nangyayari, kailangan na sigurong tuldukan.
Wala sa loob na napahimas ako sa may umbok kong tyan. Bigla kong naisip ang kinabukasan na nag-iintay sa anak ko.
Kaya ko ba na kami lang dalawa? Kaya ko naman buhayin ang anak ko financially pero hindi lang naman iyon ang nagpapatakbo sa buhay ng isang tao. Mas maganda pa din ang may buong pamilya. I owe that to my unborn child. At alam ko ding hindi papayag si Franz na ilayo ko sa kanya ang anak namin.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
General FictionFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...