Ang sakit sa mata na makita mo yung taong mahal mo na naglalambing sa ibang lalaki, ang sakit sa makita na ibang lalaki yung kailangan nya at hindi ikaw. Yung parang wala na syang pakielam sa'yo.
Akala ko dahil inalagaan nya ako kagabi noong may sakit ako at nagising ako kanina na yakap nya ako ay may pag-asa na akong nakikita na maaayos namin ang relasyon namin, hindi pala. Nakalimutan ko na sadyang mabait at maawain lang talaga si Ferline, kahit na gaano sya kagalit, aalagaan ka pa din nya kapag may sakit ka, tutulungan ka pa din nya kapag kailangan mo ng tulong. Nakalimutan kong natural lang talaga ang maging mabait sa kanya.
Noong tumango sya at pumayag na sumabay ako sa kanya sa almusal ay pansamantala na akong natuwa, pakiramdam ko, unti-unti ko ng natitibag ang pader na ginawa nya para sa akin, akala ko, unti-unti na ulit akong nakakapasok sa buhay nya, pero ang sakit pala kapag isinasampal na sa pagmumukha mo na hindi ka na nya kailangan, na hindi lang ikaw ang may kayang alagaan sya.
I know Shane, yes, she once loved Ferline pero nilinaw nya sa akin na he's already in love with someone else now. He has moved on. Dapat kampante na ako sa assurance na ibinigay ni Shane pero hindi ko maiwasang magselos, hindi ko maiwasang masaktan kapag nakikita ko kung paano sya kailanganin ni Ferline. Kasi ako dapat yun, ako sana yun, kung hindi lang ako naging gago at tanga.
I'm scared, big time. What if mainlove si Ferline sa kanya? What if bumalik ang feelings ni Shane para sa kanya? What if magising na lang ako isang araw na mahal na nila ang isa't-isa? Where would that leave me? Alam kong ang pagiging ama ko sa dinadala ni Ferline ay hindi assurance para hindi sila magkagustuhan. I know Shane, kapag gusto nya, he'll embrace it together with the baggage that comes with it. My child would never be an issue to Shane should what I feared happened.
Naputol ang panonood ko sa kanila habang kumakain noong biglang mag ring ang phone ko. Ayoko sana iyong sagutin dahil ayokong iwan si Shane at Ferline sa hapag ng silang dalawa lang but the caller is so eager to talk to me at nag-iingay na ang phone ko kaya napilitan akong sagutin iyon.
"Franz, where are you? Nag-usap na tayo di ba? Mr. Lao is pulling out his investment, hindi ka daw tumupad sa usapan. What was that supposed to mean?" Galit na galit na sabi ni Mommy pagkasagot ko pa lang ng tawag.
"Franz, are you listening?" pangungulit ni Mommy noong hindi ako makasagot agad. Napapikit ako ng madiin bago sumagot.
"Yes, Mom, may inasikaso lang, bukas po ay papasok na ako sa office. I'll fix this."
"You should be. I am counting on you Franz." Ma-awtoridad na sabi ni Mommy.
"Let's stick to our deal son, fix this and your good to go to do the things you want to do." I just nod and say my goodbye. Nagmamadali akong bumalik sa dining room para lang lalong mabwisit sa nadatnan ko doon.
"Pwede mamaya na kayo magharutan kapag tapos kumain?" I said as soon as I entered the dining room.
"Ang sakit sa mata." Dagdag na bulong ko pa. Hindi ko na kasi mapigilan ang inis ko, idagdag pa ang tawag ni Mommy. Nagkatinginan lang sila ni Shane at sabay na nagkibit-balikat bago tahimik na tinapos ang pagkain.
BINABASA MO ANG
My Little Bride
Fiksi UmumFranz Gomez-Madrigal came from an elite family. A twenty-four-years-old handsome man. He was once a sweet, loving and kind brother to his two sisters and a good son to her parents .. then Sh*t happened, so he turned himself into a cold-hearted assh...